BMACC bumisita sa Masjid at MA ng San Miguel


 

DSC00895

San Miguel, Bulacan-BINISITA ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council ang Masjid al Sulaiman, ang pinagsasambahan ng ating mga kapatid na muslim sa bayan na ito na matatagpuan sa Bgy. San Jose kaakibat ang pagbisita rin sa Municipal Administrator nitong nakaraang biyernes.

Sa pangunguna ni BMACC Co-Chairman Hadji Yahyah Gamor at nina Basadorin Diapar, Sultan Ali Andrada, Ustadz Alipahme Cali Amerol at Michael Balaguer ng www.diaryongtagalog.net ito ay bahagi pa rin ng visitation at consultation ng council sa mga muslim groups sa lalawigan upang ipaalam sa kanila ang mga programa ng kapitolyo para sa kanila.

Ito rin ay panahon upang marinig naman ang mga hinaing ng mga ito na ang karamihan ay ukol sa pagnenegosyo. Bumisita rin ang BMACC sa tanggapan ng Punong bayan ng San Miguel na si Mayor Roderick DG Tiongson ngunit dahil hindi ito available ng mga oras na iyon ay hinarap na lamang ng kanyang Municipal Administrator na si Ferdinand DG Tiongson ang grupo.

Makikita sa video si Hadji Yahyah Gamor na nakikipag usap pagkatapos ng Friday Prayers sa mga muslim sa loob ng Masjid Al sulaiman kung saan kanyang ipinaliliwanag ang kanilang sadya sa nasabing lugar at ang mga programa ng kapitolyo. (jane olvina-balaguer)

DSC00893