BMACC bumisita sa masjid at seminteryo ng muslim sa Norzagaray

DSC00757

Norzagaray, Bulacan-NASA larawan ang mga miyembro ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council, ang Publisher ng www.diaryongtagalog.net at ang mga kababaihang muslim na nagsa salah sa masjid ng Norzagaray. Sa larawang nasa ibaba naman ay ang mga kalalakihan.

BMACC Muslim Affairs and Consultative Council 2014 BMACC Visitation and Consultation sa Norzagaray. Sa temang” seeking the welfare of Muslim Bulakenos” binisita ni OIC Co- Chairman Hadji Yahya Gamor ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council siya rin ang Pangulo ng Federation of Islamic communities of Bulacan.

Napagtuunan ng kanilang atensyon ang Libingan ng mga muslim at ang masjid sa Norzagaray may mga isyu sila at suliranin tungkol sa paglilibing, paghuhugas ng patay, ang mga donasyon kung may ililibing na di taga Bulacan at ang maintenance sa seminteryo gaya ng tubig at ilaw kung may ililibing sa gabi. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kapatiran sa nasabing dako na magkausap ukol sa mga suliranin na nauukol sa libingan gaya ng problema nila kung may dadalhing patay.

Binubuo ng 1.5 hectare ang sementeryo sa Bgy. Minuyan, Norzagaray na pinagkaloob ng libre ang lupa ni Elvira Dela Merced Cruz-Marohombsar maybahay ni Solaiman Bagul Marohombsar. Isa sa problema ng libingan ang walang hugasan ng patay na nakadirekta sa septic tank. Gayon din ang lugar na may silungan upang magdasal.dahil dinadasalan ang pumanaw  na nakahiga habang ang nagdarasal ay mga nakatayo.

 

 

nasa Video si  OIC Co- Chairman Hadji Yahya Gamor ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council siya rin ang Pangulo ng Federation of Islamic communities of Bulacan.

 

 

makikita rin sa video si Chairman Alipahme Cali Amerol, Committee ng peace and order. Kasama rin sina : Chairman Alipahme Cali Amerol, Committee ng peace and order; Chairman Basadorin K. Diapar, Committee ng Social Services and Settlement; Chairman Sultan Alim Andrada ng Committee ng Environment at Chairman Palawan U. Hadji Solaiman ng Committee ng Cultural Affairs.

Ang BMACC ay isang tanggapang itinatag nuong 2010 ng Bulacan Provincial Government upang pangalagaan ang kapakanan ng mga Muslim na Bulakenyo na pinangungunahan nina Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado bilang Chairman at Vice Governor Daniel Fernando bilang Vice Chairman. (jane olvina-balaguer)