Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ng Department of science and Technology (PAGASA-DOST) nasa 20 bagyo ang bumibisita sa ating Philippine Area of Responsibility (PAR) taun-taon. Minsan mahina lamang o may kalakasan ng bahagya at kung mamalasin ay sobrang lakas na nagduduloy ng samut-saring disaster gaya ng pagguho ng lupa, mga daluyong at pagbaha.
Sa mga ganitong pagkakataon ang mga mamamayan ang nagiging biktima at naiipit. Sa malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng ilang lalawigan sa Gitnang Luzon gaya ng Bulacan, Pampanga at Bataan hanggang sa mga bulubunduking bahagi ng Hilagang Luzon na pagguho naman ng lupa ang pangunahing suliranin bukod sa ilang pagbaha rin sa ibaba.
Bilang mga first responders sa mga ganitong disaster, ang bawat Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng mga apektadong lalawigan ang inaatasan ng kani-kanilang mga Provincial Government upang tumugon kaya nga nitong nakaraang August 7 2023 sa punong tanggapan ng Department of Budget and Management sa Malacanang Compound Manila ay ginanap ang pulong balitaan ukol sa FY 2024 National Expenditure Program at buong puwersang nakibahagi ang mga kawani ng DBM sa pangunguna ni Secretary Amenah F. Pangandaman.
Sa katanungan ng pahayagang ito uko sa kung tumaas man o bumaba ang magiging budget ng mga ahensyang may kinalaman sa Disaster Risk Reduction and Manangement (DRRM) gaya ng Department of Science and Technology (DOST) kasama na ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at Philippine Institute of Vulcanology and Seismology (PHIVOLCS), Department of National Defense (DND) kasama na ang Office of Civil Defense (OCD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama na ang Mines and Geo-sciences Bureau (MGB) , Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Secretary Amenah F. Pangandaman ay tataas ang Budget para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) ngayon FY 2024 sa 10.5 Billion pesos upang magamit sa pagtugon sa mga banta ng ibat-ibang disaster na dumadaan sa ating bansa maging bagyo, lindol, mga pagguho, daluyong, pagbaha at tsunami sa mga baybaying dagat.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net