Consultation at Visitation sa mga Muslim kasama ng Islamic seminar ginanap sa Sta Maria, Bulacan

diaryongtagalog with bmacc sa sta maria islamic seminar three

Sta Maria, Bulacan-Muli na namang nagtungo ang mga opisyales ng bulacan Muslim Affairs Consultative Council sa pangunguna nina Hadji Yahyah Gamor sa isang muslim community sa lalawigan ng Bulacan at ngayon sa bayan na ito, kasabay ng pagbisita ay isang Islamic seminar para sa mga.

Kasama rin sina Ustadz Alipahme Cali Amerol, Palawan Hadji Solaiman, Said Tagoranao at mga representante ng www.diaryongtagalog.net na sina Lito Enriquez, jane Olvina-Balaguer at Michael Balaguer. Nagsimula ng alas 7 ng umaga ang programang sinimulan ng pagbasa ng banal Na Qur’an na binasa ni Mariam Magondakan, kasunod ang pambungad na pananalita ni Mohammad Elias Marandang na siya ring guro ng palatuntunan kasunod ang pagtuturo at pagbasa ng qur’an na pinangunahan nina Ustadz Jamil M. at Ustadz Alimra Saripada.

Muling nagbigay ng pagtuturo ukol sa Islam ang isa pang Ustadz na si Ustadz Abdul Samad Adapun at pagkatapos ay ang isa isang pagtatanong ng mga nagsidalong mga kalalakihan at kababaihan at ang mga talumpati ng mga taga BMACC uol sa mga programa ng kapitolyo para sa muslim.

Malaki rin ang bilang ng mga muslim sa Sta Maria at ang karamihan ng kanilang suliranin ay umiikot lamang sa kanilang mga negosyo. Karamiha sa wikang ginamit sa mga talumpati ay Iranon, ang wika ng mga Maranaw. Ang tribu ng Maranaw ay mga entreprenyur na muslim at ang kanilang bilang ay ang mas nakararami sa lalawigan. (abdulmalik balaguer)