DEVELOPMENT PLAN PARA SEKTOR NG TVET ILULUNSAD NG TESDA

ilulunsad ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) August 25, 2023 ang kanilang National Technical Education and Skills Development Plan (NTESDP) 2023-2028 ito ay isang pambansang blueprint para sa sektor ng Technical Vocational Education and Training.

Sa temang “MaGaling at MakaBagong TVET para sa Bagong Pilipinas: TVET as a Pathways to Recovery and Socio-Economic Transformation” pinangunahan ni TESDA Secretary Suharto T. Mangudadatu at panauhing pandangal sina United States of America Ambassador to the Philippines H.E Marykay Carson and Department of Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma.

Ginanap ang paglulunsad sa Peninsula Hotel Makati, ang NTESDP 2023-2028 ay nilikha ng TESDA sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t-ibang stakeholder alinsunod sa itinatadhana ng batas Republic Act no 7796 at suportado ng United States Agency for International Development (USAID).

Ayon kay Secretary Mangudadatu ” The NTESDP 2023-2028 captured the government’s more inclusive and aggressive approach in creating a globally competitive workforce in fostering economic growth through continuous skilling, reskilling and upskilling in the context of lifelong learning”

dagdag pa ng kalihim ” This will be realized through the collaborative spirit of various sectors working together to shape a brighter future for the Philippines”.

Alinsunod sa AmBisyon Natin 2040, ang 8 Point Economic Agenda, Philippine Development Plan (PDP) at ang Labor Employment Plan ang NTESDP 2023-2028 ay nagdaan sa ilang pagpaplano ng napaka komprehensibo at multi sektoral na konsultasyon.

Kabilang rin sa mga panauhin sa paglulunsad sina Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Republic of Nigeria sa Pilipinas na si H. E Folakemi I. Akinleye, Malaysian Ambassador sa Pilipinas na si H. E Dato Abdul Malik Melvin Castelino, German Ambassador sa Pilipinas na si H.E Andreas Pfaffernoschke, ang Charge’d Affairs ng Embassy of the Union of Myanmar sa Pilipinas na si H. E San Yu Kyaw at ang mga Deputy Directors ng TESDA na sina Rosana Urdaneta, Aniceto D. Bertiz III at Vidal D. Villanueva III.

Kabilang rin sa mga nakibahagi ay mga mambabatas, mga lokal at dayuhang partners, industriya at mga representante ng mga ahensya ng gobyerno, akademya, labor group, employer group atbp.

///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net