HALAL MEDS AT PHARMA ISUSUNOD NG DOST-USEC GUEVARA

DOST ASSURES HALAL COSMETICS HAS NO SWINE DNA- DR. SALES

HALAL, salitang  Arabic na ang ibig ipakahulugan ay pinapayagan sa mga Muslims ito ay anmang kinukunsumo na walang baboy o mga sangkap na ipinagbabawal ayon sa banal na Qur’an na siya namang tinatawag na Haram.

Dahilan sa Islam ang pinakamabilis na lumalagong relihiyon ngayon, maraming mga hindi Muslim ang nahihilig sa mga bagay na Islamik na siya namang nagsisilbing paraan upang ang mga hindi Muslim at mga Muslim ay magkaunawaan. Sa kasalukuyan, hindi lang mga bansang may malaking populasyon ng mga Muslim o maging mga bansang Muslim ang tumatangkilik ng Halal dahilan na rin sa pangkalahatang benepisyo nito sa katawan..

Sa mga bansang hindi Muslim nakikita nila ang Halal sa sektor ng pagkain ngunit sa pangkalahatan, hindi lang ito sa sumasakop sa nasabing sektor bagkus kabilang rin dito ang Pharmaceuticals, Medicine, tourism, Media at nito ngang December 14 2021, isinagawa ng Industrial Technology Development Institute (ITDI) ng Department of Science and Technology (DOST) ang virtual 2021 Technology Offering nila na may pamagat na: Let’s Talk Jamiil: Halal Personal Care (Exploring the Muslim world of Beauty).

Ipinakita sa nasabing aktibidad ang mga Halal compliant na mga beauty products na gawa ng ITDI gaya ng moisturizing lipstick, lip balm, whitening toothpaste, moisturizing and whitening soap at shampoo na may hair growing properties.

Ang nasabing mga produkto ay formulated sang ayon sa Malaysian Standards 2634: 2019 Halal Cosmetics General Requirements at sumusunod sa mga good manufacturing practices na may katiyakang ligtas at dekalidad ang product development processes.

Hinihikayat ang lahat sa industriyang lokal ng 2021 Technology Offering ng ITDI: Halal Personal Care Collection maging Muslim o hindi na makibahagi sa mga teknolohiya dahil nga naman ang pagiging maganda at malusog ay maaring matamo sa pamamagitan ng mga produktong Halal compliant ng ITDI.

Nagtanong ang www.diaryongtagalog.net isang online news portal na pag aari ng mga Muslim na nagkokober sa ITDI kung ano pa ang isusunod na ilunsad ng kagawaran ng agham pagkatapos ng Halal Cosmetics at ayon kay DOST USEC for Research and Development na si Dr. Rowena Cristina L. Guevara dahil nauna nang inilunsad at ipinakilala ng kagawaran ang mga Halal Compliant sa pagkain at ngayon ay sa Cosmetics, sa pamamagitan ng kasalukuyang programa ng “Tuklas Lunas” ay tiyak na kasunod na ang mga Gamot at Pharmaceuticals.

Kabilang sa mga opisyal ng kagawaran na nakibahagi sa aktibidad ay sina DOST Secretary Fortunato T. de la Pena, DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina L. Guevara at si DOST HALAL Program Leader DOST 11 Director Dr. Anthony Sales.

Kasama rin sina ITDI Director Dr. Annabelle V. Briones, ITDI Deputy Director for research and Development Dr. Christine Marie C. Montessa, ITDI Deputy Director for Administrative and Technical Services Dr. Zorayda V. Ang at mga bisitang sina Dr. Dave D. Centeno, isang cooperator at Monica Ronda, na siyang nag adapt ng teknolohiya, isinalaysay niya ang kanyang mga karanasan upang mahikayat ang iba pang entreprenyur na gayahin ang kanyang ginawa.

Sa daigdig ng Islam, ang Halal ay bahagi na ng buhay, sa kabila ng karamihan sa mga Muslima ay nakasuot ng Hijab, NIcab, Burqa o kagaya dito sa Pilipinas ay may isinusuot na mga “Kumbong”, nais pa rin ng mga kababaihan na maging maganda kahit ano pa ang relihiyon.///Abdul Malik Bin Ismail, 09262261791, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net