Islamic Seminars para sa mga kababaihan ginawa sa Norzagaray; enthronement ng mga Sultan sa Bulacan natapos


 

Ginanap sa bayan ng Norzagaray sa Lalawigan ng Bulacan ang Isang Islamic Seminar para sa mga kababaihan kung saan dinaluhan ito ng maraming babaeng muslim na nagnanais matuto pa ng higit sa kanilang nalalaman pang relihiyon.

Kabilang sa mga nanguna sa nasabing aktibida ay ang mga taga Masjid Al Ikhlas na sina na sina Sulayman Maryam Marohombsar. Kanilang naimbitahan rin ang ilan sa mga guro at faculty ng isang madrasa o paaralang pang muslim sa Dasmarinas Cavite kung saan iniimbitahan ng mga ito ang nasabing mga kababaihan na mag enroll upang lalo pang madagdagan ang kaalaman nila ukol sa Islam.

Kabilang rin sa kuwento ay ang pagtanggap sa pananampalatayang Islam ng Publisher ng pahayagang ito upang lalong maging lehitimo ang adbokasiyang magsamahin ang mga balita ukol sa Islam at Agham.

Matatandaan na ang May ari at Administrator ng pahayagang ito ay isa nang Muslim at dating Kristiyano ang kanyang maybahay na siya namang Publisher ng pahayagan ngunit sa aktibidad nga na nabanggit ay nag Shahada ito. (Abdul Malik Ismail)

Samantala makikita naman sa susnod na video ang tinatawag na Enthrone ment ng mga Sultan sa bayan ng Sta Maria maging ng ilang Datu.

 

 

Kabilang sa mga dumalo ay si Bgy. Bagbaguin, Sta Maria bgy. Captain Raymond Ramos na binigyang titulo bilang Sultan/ Datu at kabilang rin ang mga sultan at datu ng nasabing bayan at sa buong lalawigan ng Bulacan. naroon rin ang pamunuan ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council sa pangunguna ni Chairam Yahya Gamor, Palawan Sulayman at Mino Diapar.