Islamic wedding ng Filipina at Malaysian ginanap sa tanggapan ng BMACC

DSC00844 (2)

Malolos City, Bulacan-IKINASAL ang isang Malaysian at Pinay sa tanggapan ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council (BMACC) sa pangunguna ni Ustadz Alipahme Cali Amerol bilang Imam o Solemnizing officer.

Tubong Balagtas ang bride na si Norhidayah “Jean” Alamodin Lakandula, 20 anyos at ang groom na si Ismael Mohammad Ali, 36 mula sa bansang Malaysia. Sa unang pagkakataon ngayon lang nagkaroon ng kasalan sa opisina ng BMACC, 2nd floor Hiyas ng Bulacan Convention Center, Capitol Compound Bgy.Guinhawa.

Naroon din bilang mga saksi ang kamaganak ng babaeng ikakasal at mga chairman ng committee ng BMACC na sina; Hadji Yahya Gamor bilang Co-Chairman, Basadorin Diapar, Sultan  Ali Andrada, Palawan Hadji Solaiman at kanilang mga may bahay.

Ang Durry/gift ang ipinagkakaloob ng lalaki sa kanyang mapangangasawa. At sa kultura ng Maranao tribe ay hindi maaring hawakan ng lalaki ang babae hanggang hindi natatapos ang ritwal ng kasal.

May pag uusap rin ang tatay ng bride at ang groom. Ayon sa tatay ng babae na sa pagkakabigay ng durry ay pinagkakatiwala niya nag kanyang anak na maging asawa nito. Ayon sa lalaki na nakasulat sa Qu’ran na kailangan may durry sa pagpapakasal sa babae na nakasulat din sa Hadith ni Propheta Mohammad Salallahuwalayhi Wassalam. Ang Imam ay iproproklama na duwa’ah sa Islam ang dalawa si Norhidayah at Ismael. (jane olvina-balaguer)

DSC00846