KAMAG-ANAK INKORPORATED LAGANAP SA BUONG NCMF


IPINAGBABAWAL sa umiiral na batas na ipinatutupad ng Civil Service Commission ang nepotismo o ang pagttalaga ng mga kamag anak ng isang mataas na opisyal nang tanggapan ng gobyerno sa kanyang mga malalapit na kamag anak.

Sa kabila ng pagbabawal na ito, marami pa ring tanggapan at maging kagawaran ng gobyerno ang may nepotismo o yaong tinatawag na “kamag-anak Inkorporated”.

Kagaya ng dinastiya politikal kung saan ang mga pinunong bayan at mga kamag anak nila ay sabay sabay na nauupo at umu ukupa ng matataas na posisyon sa gobyerno, pareho rin sa kamag-anak inkorporated dahil halos iisa lamang ang boses ng mga kamag anak sa katarantaduhan, sabwatan, pagnanakaw at iba pang uri ng katiwaliang aminado ang lahat na nadarama ang presensya sa maraming sangay ng gobyerno.

Kung tutunghayan ang mga talaan ng kawani sa national Commission of Muslim Filipinos (NCMF) makikitang lubhang napakaraming indibidwal ang may iisang apelyido lamang. Hindi naman ito sana magkakaroon ng malisya kung ang apelyido nila ay yaong kilalang marami o halos hindi na magkakakilala halimbawa: Cruz, De Leon, Santos, Dela Cruz atbp na mga apelyidong kristiyano ngunit ang apelyidong ito ay pawang sa pamilyang Muslim na buhat lamang sa isang tribo.

“Maraming bulung-bulungan, maraming nakaka alam ngunit walang magsalita” sabi ng source ng pahayagang ito (www.diaryongtagalog.net) nang tanungin siya kung sino ang kamag anak ng nasabing apelyido na nasa mataas na katungkulan sa komisyon.

Wika muli ng isang nakapanayam namin sa nasabing tanggapan kung saan naroon ang bulto ng kamag-anak inkorporated “Dapat kasi tanggalin na ni Atorni ang mga kamag anak niya dahil nasisilip na sila”.///Abdul Malik Bin Ismai, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com

-30-