KING BIBOSS HALAL RESTAURANT NAMAYAGPAG SA KABILA NG PANDEMYA

KING BIBOSS thrived amidst the pandemic

Sa kabila ng naging pahirap sa mga negosyante ang sitwasyon ng nakaraang dalawang taon ng pandemya, may mga negosyo pa rin na nabuhay at namayagpag sa kabila ng kanilang mga naging sakripisyo sa pagpapatakbo nito.

Nalalapit na ang isa sa dalawang mahalagang kapistahan sa pananampalatayang Islam, at ito ang Eid’l Adha, magaganap ito ngayong July 9, 2022, inaalala nito ang sakripisyo ng Propeta Ibrahim (AS) nung walang pasubali niyang sundin ang utos ng Allah (SWT) na kitilin ang buhay ng kanyang nag iisang anak na si Propeta Ismail (AS) ang ugaling nararapat na taglay ng Muslim sa kanyang pag araw araw na buhay.

Kagaya ng Propeta Ibrahim (AS) isang Ibrahim din ang matatag na naka alpas sa hamon ng pandemya kasama ang kanyang asawang Filipina. ito ang nagmamay ari ng King Biboss Halal Restaurant sa Ermita, si Mrs. Georgina Velasco Soliman.

Bilang asawa ng Egyptian National na si Mr. Ibrahim Soliman marami rin silang mga pinagdaanang sakriprisyo upang maitatag ang kanilang mga negosyo sa bansa gaya ng King Biboss ngunit sa kabila ng lahat ng ito at sa tulong at awa ng Allah (SWT) naging matagumpay itong si Mrs. Soliman kaya nga sa dami ng mga restaurant sa bahaging iyon ng Maynila kung saan ang mga kapatid na Muslim ay nagkakasama-sama at nagkikita-kita masasabing isa sa malimit mapagpiliang dalawin at puntahan ay ang kanyang restaurant.

Ito marahil ang dahilan kaya sa tuwina gaya sa nalalapit na Eid’l Adha, nagsa sadaqa sila sa mga kapatid sa islam na nangangailangan para sa okasyon. Malaking pasasalamat ng Al Falah Jammah sa Plaridel Bulacan dahil pinagkalooban nila ang mga ito ng dalawang kahon ng dates para sa isa sa pinakamahalagang okasyon ng Islam.

ito ang ebidensya na ang tunay na pagsunod sa Allah (SWT) at mabuting pakikipagkapwa tao, sabi nga ang kanilang restaurant ay bukas sa lahat maging Muslim man o hindi kaya kung magagawi tayo sa bahaging ito ng Pedro Gil kanto ng A. mabini ay matatagpuan natin ang “the best Halal Restaurant” sa lungsod ng maynila.///Abdul Malik Bin Ismail, +639262261791, abdulmalikbinismail@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net