mmcc sa birthday ng tawi-tawi princess at multi sectoral congress gaganapin sa maynila

diaryongtagalog with mmcc in princess bday five

Maynila, Pilipinas-Nakibahagi ang Manila Muslim Consultative Council (MMCC) sa pangunguna ni Chairman Jupakar “Joe” Arabani sa pagdiriwang ng ika 42 kaarawan ni Putli Zenaida Jamasali sa isang hotel sa lungsod na ito kung saan kasama sa mga bumati sa prinsesa ay ang “anak ng masa” Col. Jude Estrada.

Ang kanyang mga kamag anakan, mga representante ng mga muslim tribes na nasa lungsod at maging mga kristiyanong kaibigan at mga taga suporta ng prinsesa sa kanyang bayan sa Tawi-tawi. makikita ang mga video ng mga bumati sa prinsesa.

 


 


samantala, nakatakdang ganapin ang isang multi sectroral congress for peace, unity and economic development na gaganapin sa unibersidad de manila kung saan nakatakdang daluhan naman ito ng ibat ibang islamic groups, muslim tribes at mga arab diplomats at inaasahang dadalo rin sa OFW Family partylist representative roy Seneres.

bukod kina Prof. Jupakar Arabani, naroon rin si Grand Imam of the Philippines Ustadz datu Jhularab h. Sampang, ang Tzu Chi Foundation Philippines CEO Alfredo Li at Col. Jude Estrada.

Ang diplomatic corps mula sa mga bansang Saudi Arabia, Quatar, Kuwait, Bahrain, UAE, Brunei darussalam, ang mangaawit na si Freddie Aguilar, si Abdulwatan Mohammad, Hadji Yahya Gamor ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council at ang www.diaryongtagalog.net. (mike balaguer)

diaryongtagalog with mmcc in princess bday fourteen