Modus ng apat na hulidapers na lespu sumablay sa Baseco, mga parak swak sa balde; Lagdaan ukol sa Bangsamoro framework agreement matagumpay na natapos at MMACC namigay ng reading glasses sa 300 senior citizen sa BASECO

 

Maynila, Pilipinas-Sumingaw ang Modus Operandi ng apat na pulis matapos na ipagharap ito ng kasong illegal arrest at arbitrary detention na may kasamang pangingikil o extortion sa madaling salita ay “hulidap” nangyari nitong Marso 26, 2014 sa  Baseco Compound, Port Area, Lungsod ng Maynila.

Kinilala ang mga suspek na hanggang ngayon ay nakakalaya pa at patuloy na nambibiktima na sina: PO1 Aldrin Andaya, PO3  Abel Saldiosa, PO1 Pemano at Police Chief Inspector William Delos Santos na nakatalaga sa Baseco PCP, MPD Port Area, Manila.

Ayon sa salaysay ni Annie Punso  at Juliet J. Pajara kay Manila Muslim Affairs Coordinating Council (MMACC) Chairman Prof. Jupakar Arabani  sa tanggapan nito, nagsimula ang kanilang kalbaryo nang maulinigan ng apat na suspek  sa usapan ng kanyang asawa at isang kamag anakan buhat sa Saudi Arabia na may darating silang pera na itutulong sa mga biktima na kapwa walang hanapbuhay na matatag.

Dahil nga bihasa na sa pangingikil at pangongotong ang apat na mga suspek , at malimit hindi nag uuniporme upang itago ang kanilang mga pangalan sa kanilang mga bibiktimahin, dagdag pa ng dalawa sa kanilang kuwento kay Arabani, sinundan pa ng mga suspek ang biktimang si Faizal Punso, asawa ni Annie sa Jollibee kung saan duon dadalhin ng kamag anak nina Punso ang sinasabing salapi buhat Saudi Arabia ngunit di dumating ang kamag anak sa halip ay bumili na lamang si faizal ng hamburger upang iuwi sa asawa.

Dakong alas dos ng hapon sa basketball court, nilapitan ng tatlo sa mga suspek sina sina Faizal Punso, Annie Punso at Juliet Paraja at hinatak si Faizal upang sabi raw ay kausapin ngunit pagbalik nito ay tinanong nito kay Juliet kung may 5,000 pesos itong cash dahil hinihingi ng mga suspek dahil kung hindi raw makapagbibigay sila ay “tutuluyan” nito si faizal.

Nang magsabing walang tangan na pera si Juliet ay agad na binatak itong si Faizal at dinala sa PCP at ikinulong. Nang muling tumawag sa kanyang maybahay itong si faizal ay sinabing ang kailangan ng mga pulis ay 25,000 pesos dahil umano kinargahan siya ng kasong illegal possession of firearms sa kabila ng wala namang baril itong si Faizal at tanging hamburger lang buhat sa Jollibee ang dala nito.

Gustuhin man nilang ipakita ang kanilang galit sa mga suspek ay di nila magawa dahil “hostage” ng mga ito ang biktima kaya sila lumapit sa tanggapan ni Prof. arabani upang samahan silang isampa ang kaso at sa layuning tuluyan nang wakasan ang modus operandi ng mga suspek sa lugar.

Isinampa ang kaso sa piskalya ng maynila na may docket number s piskalya XC 07- INV-14C 01872 nitong Marso 26, 2014. Nabatid pa ng pahayagang ito batay na rin sa mga eksklusibong panayam sa mga residente na malimit ang mga suspek mag conduct ng check point sa lugar at kinakasangkapan ang pagpa planta ng droga o anumang ebidensya kunwari na ang layunin ay manghipo mangmolestiya at mangikil ng mga kababaihan at bata.

Kasalukuyan pang nakakalaya ang mga suspek at sinasabi ng mga biktimang sa kabila nang nakalaya na ang kanilang kaibigan ay iniikutan pa ng mga suspek ang kanilang bahay upang takutin sila at iurong ang habla. Sinabi naman ni Prof. Arabani na hindi siya titigil hanggang di nakukuha ng biktima ang hustisya at tuluyang mawala sa pagkapulis ang mga suspek na itituturing niyang anay sa PNP. (Michael balaguer)

———————————————————————————————————————————–

 

 

Maynila, Pilipinas-MAKASAYSAYAN ang petsang March 27 2014 sa Bangsamoro o maging sa lahat ng muslim na nag nanais na wakasan na ang matagal nang digmaan sa ilang bahagi ng tinatawg na “lupang pangako”, ang Mindanao.

Tunay na matagal ngang proseso ang kapayapaan, at ang pagnanais ng mga Muslim sa Mindanao na magsarili dahil pakiramdam nila ay napapabayaan na sila ng gobyerno sa Maynila. Sa patuloy na panalangin na matuldukan na ang matagal na digmaan na kumitil na rin ng napakaraming buhay sa wakas ayon sa mga grupo ng muslim na dumalo nitong Marso 27, 2014 sa paglalagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o ng dati ay Bangsamoro Framework Agreement, sinasabing nagkakaroon na ng linaw at liwanag ang tila nababanaag na ng bangsamoro.

Kabilang sa mga dumalo ay ang mga muslim organizations at grupo buhat sa iba’t-ibang panig ng bansa o sa Luzon, maging mga muslim na hindi kabilang o taga suporta ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sa Bulacan, tinatayang 10,000 indibidwal ang dumalo sa peace rally sa Manila Golden Mosque at sa peace arc sa Mendiola.

Nasa humigit 50,000 ang voting population ng muslim bulakenyo at ang mga ito ay rehistrado. Ang mga dumalo ay kabilang sa mga organisasyon na nakabase sa Sta. Maria, Norzagaray, Malolos, San Jose del Monte, Meycauayan, Plaridel, Baliwag, San Miguel at mga kalapit bayan gaya ng Tarlac, Dasmarinas at Valenzuela.

Nagbigay ng kani kanilang talumpati sina Chairman Hadji Yahya Gamor ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council (BMACC) at nakapanayam naman ng www.diaryongtagalog.net si Agakhan M. Sharief na itinuturing na “Bin Laden” ng Pilipinas dahil sab albas na kahawig ng kay Osama Bin Laden mula sa Bangsamoro National Movement for Peace and Development  kabilang rin sa Organizer ay si Cooperative Development Authority Administrator Datu Pendatun B. Disimban.

Sa paglalagda ng CAB inaasahan ng bangsamoro ang tunay na otonomiya na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region In Muslim Mindanao (ARMM) ngunit aminado silang mahaba pa ang klalakbayin ng kanilang ninanais dahil dadaan pa ang lahat sa isang plebisito at sa dalawang bahagi ng kongreso.

Nilagdaan ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa pagitan ni pangulong Benigno S. Aquino III sa panig ng Gobyerno ng Pilipinas o Central Government at ni Moro Islamic Liberation Front Chairman Al Hadj Murad Ebrahim sa panig naman ng Bangsamoro Government. (Maryam Jannah E. Olvina- Balaguer)

 

 

———————————————————————————————————————————–

Maynila, Pilipinas- Tinatayang tatlong daang mga reading glasses ang ipinamigay ng Manila Muslim Affairs Coordinating Council sa pangunguna ni Prof. Jupakar “Joe” Arabani bilang Chairman sa ginawa nilang proyekto kamakailan sa Baseco Compound, Tondo.

Kabilang sa mga nakibahagi ay ang grupo ng Bangsamoro Overseas Filipino Workers Organization Foundation sa pangunguna ni Nasra “Guro” S. Onsok bilang Pangulo, dinala niya ang mga kabataang muslim buhat sa ibat-ibang lalawigan upang mag Da’wah o magbigay ng katuruan sa Islam sa mga residente upang mailapit ang mga ito sa dakilang Lumikha.

Ilan sa mga naging aktibidad ay ang pamamahayag ng mga sitas ng banal na Qur’an at pagbibigay ng mga regalo sa mga bata at pagpapakain sa mga ito. Kabilang rin ang mga representante ng ilang mga major tribes ng muslim na naroon sa Baseco upang saksihan ang nasabing aktibidad ng MMACC.

Ilan sa kilalang balik islam groups at indibidwal ang nagbigay ng kani kanilang testimonya ukol sa kanilang pagyakap sa tunay na pananampalataya. Isa sa mga ito ay ang mang aawit na si Freddie Aguilar.

 

 

Bukod sa mga muslim ay marami ang nabigyan ng reading glass na mga kristiyano at ang marami sa mga ito ay nag shahada o yumakap sa Islam batay sa mga paliwanag at testimonyang kanilang napakinggan sa mga balik-Islam na guro, maging ito ay kabilang sa kanilang tribo o hindi.

 

 

Sabi ni Prof. Arabani sa panayam ng www.diaryongtagalog.net ang nasabing aktibidad ay naglalayong pag isahin ang mga kristiyano at muslim sa ika uunlad ng bayan, o ng Maynila. Nabatid na sa Baseco ay may limang masjid o mosque kung saan kani kanyang tibo ang sumasamba.

Mithiin ni Arabani na sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba, sa idolohiya at kultura at kinalakihang paraan ng pagsamba, lahat naman sila ay muslim kaya nararapat na sila ay magkaisa, magtulungan at magmahalan bilang mga tunay na magkakapatid. (abdul malik bin ismail balaguer)