Muslim Congress kasama sina Alfredo Li ng Tzu Chi Philippines at Balik-Islam Singer Freddie Aguilar

Maynila, Pilipinas-Pinangunahan ng Manila Muslim Consultative Council (MMCC) sa pangunguna ng kanilang Chairman Prof. Jupakar Arabani ang Manila Multi Sectoral Congress for Peace, Unity and Economic Development na ginanap nitong February 7, 2014 sa Unibersidad De Manila.

Umikot sa temang “Towards Better Understanding, cooperation and Peaceful Coexistence” batay sa isinasaad ng Dakilang Qur’an sa Surah al-Buruj verse 11 na ” Katotohanan! sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, sasakanila ang paraiso na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy. Ito ang dakilang tagumpay”

mula sa kanan nasa larawan sina Manila Muslim Consultative Council Chairman Prof. Jupakar Arabani kasama si His Highness Prince Ambassador Turki Bin Mohammed Bin Saud Al Kabeer, Undersecretary of the Ministry of Foreign Affairs for Multi-Relations Affairs of the Kingdom of Saudi Arabia.

DSC01116

Nagsimula ang palatuntunan sa pangunang panalangin buhat kay Grand Imam of the Philippines Ustadz Datu Jularab H. Sampang kung saan ang tema ng kanyang panalangin ay ukol sa pagkakaisa at pagtutulungan kasunod ang pangunang pananalita ni Prof. Jupakar Arabani  na nagwe welcome sa lahat sa naturang pagtitipon at maikling mensahe buhat kay Bb. Sandra Cam, ang Whistle Blower ng Arroyo Administration at Chairman ng Whistle blowers Association ukol sa Islam at ang kanyang matagal na pakikitungo sa mga Muslim sa ibayong dagat (Gitnang Silangan) at sa Pilipinas (Sa Mindanao).

Nagbigay rin ng munting pagbati ay talumpati ang “anak ng masa” o ang anak ni President Mayor Joseph Ejercito Estrada na si Col. Jude Estrada ukol sa pagkakaisa ng mga Muslim at Kristiyano kasunod si Atty. Saga D. Mabaning, Director ng ECAD sa Commission on Elections at Senior Citizens Party List Representative Godofredo V. Arquiza o Dato Asirz Ashraf.

Balik Islam Singer na si Ka Freddie aguilar ay naging bisita rin sa nasabing congress kung saan nagbigay siya ng special number sa a-capella, ang kanyang inawit ay ang makasaysayang “bayan ko” kasunod ang kanyang kaunting pananalita tungkol sa kanyang pagiging balik-islam.

Nagbigay rin ng talumpati, ulat ang Chief Executive Officer ng Buddhist Tzu Chi Foundation Philippine sa si Ginoong Alfredo Li kung saan kanyang inulat ang mga ginagawa nilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban at kung ano pa ang mga developments sa kanilang cash-for-work duon pati ang mga itinatayo nilang temporary shelters at ang plano ukol sa permanent housing.

Binanggit ni Mr. Li ang tungkol sa mga matatapat na biktima ng bagyo na binigyang parangal at ang mga kuwento na magiging proud tayo bilang Pilipino at ang pasasalamat sa Tzu Chi ni Palo Mayor Matin. sinabi rin niyang papasok na sa ikalawa at ikatlong bahagi ang kanilang pagtatayo ng temporary at permanent housing sa Leyte.

Isa sa mga inaasahang dumating sa nasabing congress ay ang Envoy buhat sa Kingdom of Saudi Arabi sa katauhan ni His Highness Prince Ambassador Turki Bin Mohamed Bin Saud Al Kabeer na Undersecretary for the Ministry of Foreign Affairs for Multi Relations Affairs na bumati sa mga dumalo sa nasabing congress.

Nagsayaw ng mga katutubong sayaw ang mga Maranaw at Tausug sa pangunguna ni Bae Rezmin Ampuan, ang may ari ng lupang libingan ng mga Muslim sa Norzagaray, Bulacan na si Elvira Maryam Marahombsar at ang kanyang asawang si Solaiman pati ang anak ng Chairman ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council (BMACC) na si Hadji Yahya Gamor na si Nasip Gamor at ang asawa nito. (abdul malik balaguer)