

Pebrero 1, 2021- INAPRUBAHAN sa ikatlong pagbasa ng House of Representatives nitong nakaraang martes enero 26, 2021 ang panukalang batas na magde deklara sa unang araw ng pebrero kada taong bilang “National Hijab Day” upang anila ay maisulong ang pagkakanawaan sa mga tradisyon ng Islam sa Pilipinas.
Ipinasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng 203 mambabatas ang House Bill 8249. Batay sa itinatadhana ng nasabing batas, ang Hijab ay isang kasuotan sa ulo ng kababaihang Muslim na isinsuot ng mga kababaihan simla sa kanilang kadalagahan na nagbabalot sa kanilang ulo, hanggang sa dibdib at tradisyunal na suot ito hanggang sa sila ay tumanda bilang bahagi ng karaniwang kasuotan lalo sa pananampalataya sa pakikiharap sa mga kalalakihan, pamilya bilang bahagi ng konserbatibong tradisyon ng Islam.
Hinihikayat ng batas ang pagsusot ng Hijab at alisin ang mga maling pagkakanawa ukol dito pati na rin ang pagpapatigil sa diskriminasyon na napapaloob sa pagsusuot nito, hinihikayat rin ng batas ang pagsusuot nito bilang paggalang sa kalayaan sa pananampalataya, pagpapakalat ng pananampalatayang Islam at pagkilala sa kabtihan ng nasabing relihiyon..
Sa ilalim ng nasabing bats, ang mga institsyon pang pamahalaan, mga paaralan at pribadong sektor ay hinihikayat ang mga mamamayan na isagawa ang pagsusuot ng Hijab at ang observance ng National Hijab Day para sa pagkakanawaan ng mga kawani at mga mag aaral..
Inaatasan ng nasabing batas ang National Commission on Muslim Filipinos bilang pangunahing ahensya na manguna sa pagsusulong at pagpapakilala pati na rin ang kampanya sa pagpapakalat ng mga mahalagang impormasyon at edukasyon ukol sa nasabing batas.
Ang nasabing panukalang batas ay authored nina Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan, Lanao Del Norte Reps. Mohamad Khalid Dimaporo, Abdullah Dimaporo, Lanao Del Sur Reps. Ansaruddin Abdul Malik Adiong, Yasser Alonto Balindong, Maguindanao Rep. Datu Roonie Sinsuat, Sr., RECOBODA Party-list Rep. Godofredo Guya, Ilocos Sur Rep. Deogracias Victor Savellano.
Ang National Hijab Day sa Pilipinas ay isinabay sa World Hijab day na ipinagdiriwang rin sa unang araw ng Pebrero kada taon at sinimlan nuong 2013 ni Nazma Khan isang residente ng New York sa Amerika.///Maryam Jannah Binti Ismail, +639471412750, diaryongtagalog@gmail.com