FFCCCII collaborate with the ICCM for Typhoon Paeng
MATAGAL na ang relasyon ng pagtutulungan sa pagitan ng mga Muslim at chinoy sa bansa at hindi maipagkakaila na May malalim itong pinagmulan.
Nitong nakaraang Bagyong Paeng nasubukan muli ang pagkakaibigang ito ng magtulungan ang dalawang organisasyong Muslim at chinoy para sa mga biktima ng bagyo.
Ang Islamic Council of the City of Malolos (ICCM) sa pakikipag tulungan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII) ay kapit bisig na nagkaloob ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Paeng.
Ang FFCCCII na pinamumunuan ng kanilang President Dr. Henry Lim Bon Liong ay nagkaloob ng 12 sako ng tig 25 kilo bigas para sa mga biktimang kinilala ng ICCM.
Ang inisyatibong paghingi ng tulong sa Filipino-Chinese business group ay naisip ng mga pangunahing opisyal ng ICCM na sina Secretary General Mary Jane Balaguer and Co-Chairman Michael Balaguer na personal na nilapitan si Dr. Lily Lim, ang FFCCCII Executive Director at in charge of media affairs.
Ang Secretary General at Co-Chairman ng ICCM ay pawang mga miyembro ng working press at laging ikinokober ang mga aktibidad at programa ng FFCCCII sa matagal na panahon.
Naroon kabilang rin naman sa mga opisyales ng ICCM na nakasama ay sina PRO, Mohammad Nassif Gamor, Health Committee Head Anshary Sarosong and Head Infrastructure Committee Ano Naik. ///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net