PAGGALANG SA MUSLIM NG XENTRO MALL ANTIPOLO

GOLDEN KUBETA AWARDS FOR XENTRO MALL ANTIPOLO

SHOW window ng isang bahay ang kanilang kubeta. Sabi ng ilan kapag marumi ang kubeta ng isang tahanan ay nagre reflect ito ng pag uugali ng mga naninirahan dito. May iba naman na ang pananaw sa kubeta ay para bang isang pahingahan na maari kang mag relax habang nagbabawas ng sama ng loob.

Tama man o mali ang mga nabanggit na pananaw ay isa lamang ang tama, na halos 70 bahagdan ng kabahayan sa ating bansa ay walang palikuran, kubeta at ang mga lugar na mayroong kubeta lalo ang mga pampublikong lugar ay kakikitaan ng mga mabantot at maruming kubeta sa kabila ng hindi naman mga dugyot ang mga tao sa naturang pook.

Ang kalusugan at sanitasyon ay isa sa mga malaking suliranin ng sektor kalusugan at dahil nga maraming walang kubeta sa ating bansa ay maraming sakit ang maaring dumapos sa atin. Kaya nga nang mapansin ng www.diaryongtagalog.net at www.dzmjonline.net ang parangal na iginawad sa Xentro Mall Antipolo ng Maynilad, ang “goden Kubeta Awards” sa kasagsagan ng kanilang Christmas Lighting Ceremony kamakailan ay agad naming kinapanayam ang nagma may-ari ng mall na si Ginoong Alex Cruz.

Sa Xentro Malls, malaki ang respeto ng pamunuan sa mga Muslim, katunayan ay kasama sa restrooms nila ang pambabae at panlalaking wudu o hugasan ng paa bago mag dasal sa Islam pati ang lugar kung pwede mag breastfeed ang mga ina kapag nasa mall.

Ayon kay Ginoong Cruz ang inspirasyon para sa paglalagay ng mga maayos at magandang kubeta ay nagmula pa nuong kanyang kabataan habang nasa palengke at nagtitinda ng asin. Nang magkakilala sila ng kanyang maybahay ay napag tulungan nilang magtayo ng mga malls at kanilang naging inspirasyon muli ang mga maruruming kubeta batay sa kanyang kwento.

Sa kanilang kubeta ay may mga mababasang mga lathalain na nakaka inspire, wisdom wika niya at dahil mas matagal umihi ang babae ay may maayos at komportableng upuan na maaring mapaghintayan.

“Hanga ako sa kagalingan ng mga kapatid nating Muslim sa paghahanapbuhay” ayon kay Ginoong  Cruz. ///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net

-XXX-