Halal ay isang bahagi ng pananampalatayang Islam na hindi dapat ipagwalambahala sapagka’t ito ay hindi lamang pang Muslim kundi pang sangkatauhan
Sa inisyatibo ng Department of Trade and Industry, Halal Industry Development Office Program Manager Aleem Siddiqui M Guipal nagbibigay ng kanyang pambungad na pananalita.
Magbibigay rin ng kanyang mensahe ang Kalihim ng Department of Budget and Management Sec Amenah F Pangandaman.
Ang presentasyon ng Philippine Halal Industry Development Strategic Plan 2023-2028 na inihatid ni DTI Sec Alfredo Pascual na sya ring Chair ng Philippine Halal Export Development and Promotion Board.
Kabilang din sa mga dumalo ay sina Malaysia Ambassador to the Philippines H E Abdul Malik Melvin Castelino Bin Anthony at National Commission for Muslim Filipinos Sec. Yusoph Mando at Department of Science and Technology 11 Regional Director DR Anthony Sales.
Ang usapin ng Halal ay hindi lamang sa mga produkto at serbisyong walang baboy bagkus ito rin ay para sa kalinisan at kaayusan na pwede at akma sa Muslim man o hindi.///
abdul Malik bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net