PAMUNUAN NG NCMF DAPAT ALL TRIBES REPRESENTED

SIMULA nang magpalit buhat sa Office of Muslim Affairs (OMA) hanggang sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) halos iisang tribo lang ang namumunini sa pinakamataas na posisyon ng komisyon.

Samut saring implikasyon ang dulot nito sa sector at maging sa komisyon dahil halos iisang grupo na lang ang may tangan ng kapangyarihan gaya na lang ng mga katiwaliang dapat na nasawata kung maiiba lang ang pamunuan.

“dapat umiikot sa mga tribo ang iniluluklok na mamumuno sa NCMF” ayon sa pahayag ng nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net tungkol sa nasabing isyu at ayon pa sa kanya, wala pang nai uupong kalihim buhat sa kanilang tribo kaya paano masasabing well represented ang mga ito.

Ayon naman sa mamamahayag na nauna naming nakausap tungkol sa kaparehong isyu sinabi niya na lahat ng mga tribong Muslim umano ay represented sa NCMF. Tanong naman ng sumulat ng artikulong ito sa kausap niyang mamamahayag ukol sa nasabing isyu “paano naman ang mga balik Islam? Parang wala naman kaming representasyon kahit kami ang pinaka marami sa lahat ng tribo”. Sa mga naging kalihim ng komisyon marami ssa kanila ay Maranao.///Abdul malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail685@gmail.com