ASec. Beth de Leon of DILG graced oath taking of Mahardika Women Empowerment Worldwide
Nitong nakaraang May 27, 2023 ay ginanap ang isang oath taking ceremony ng isang bagong grupo ng mga kababaihan na nagre representa sa iba’t-ibang sektor at may layuning itaas at isulong ang kalayaan ng mga kababaihan sa iba’t-ibang hamon ng lipunan.
Ang grupong Mahardika Women Empowerment Worldwide (MWEW) ay binuo ng mga kababaihang binibigyang kalakasan at pag asa ang bawat isa at sa panahon ngayon na hindi lamang karamihan ng kababaihan ay nasa bahay kung saan nagaalaga ng kani-kanilang mga anak at asawa, marami na rin ang may mga sariling negosyo at trabaho at siyang nakikipagsabayan sa mga kalalakihan.
Sa panunumpa ng kanilang mga opisyales ay nagsilbing tagapanumpa ay si Assistant Secretary Beth de Leon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) habang ang kanilang Pangulo ay ang Dating Bise Gobernador, Dating naging Kongresista at tumakbong Senador na si Princess Lady Ann Sahidulla.
Sa mga nakakakilala sa Prinsesa, masasabing tugma ang pagtalaga sa kanya bilang Pangulo ng bagong Samahan dahil kasalukuyan na niyang pinamumunuan ang Citizen National Guard (CNG), kilalang palaban at walang kinatatakutan ang PPrinsesa patunay nito ang mga nakaraan niyang natulungang mapalaya na mga nabihag ng grupong Abu Sayaff.
Inaasahang magtatagumpay ang mga layunin ng bagong tatag na grupong ito ng mga kababaihan lalo sa kredibilidad ng kanilang pinuno na siyang magdadala sa marami nilang miyembro sa tagumpay.///Michael Balaguer, 09333816694, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk