PRINCESS LADY ANN SAHIDULLA SA XENTRO MALL XMAS LIGHTING

PRINCESS LADY ANN SAHIDULLA AT XENTRO MALL XMAS LIGHTING

ANG Pasko ay bahagi ng legal holidays ng bansa at sa buong mundo , ang Pilipinas lang ang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko. Kung masayang ipinagdiriwang ito ng mga kababayan nating hindi Muslim, isang maituturing rin na biyaya ito s ating mga kapatirang Muslim na nagnenegosyo dahil mas lumalaki ang kita nila pag sumasapit na ang kapanahunan ng Pasko.

Sa ginanap kamakailan na Christmas Lighting ceremony ng Xentro Mall Antipolo kung saan naging panauhing pandangal ang Senatorial candidate na si Princess Nur Ana “Lady Ann” Indanan Sahidulla at ang knyang mga kasama na sina Gen. Herbert Escalera, Ginoong Fernand Fernandez at ang mga may ari ng Xentro Mall na sina Mr. and Mrs. Alex Cruz.

Nabanggit ni Princess Lady Ann ang pagkakatulad ng mga pananampalataya ng Kristiyano at Muslim lalo sa pag respeto ng dalawa kina Jesus Christ at mama mary na siyang sentro ng pagdiriwang ng kapaskuhan ng mga Kristiyano.

Binanggit naman ni Gen. Escalera ang pangangailangan para sa representasyon ng Muslim sa Senado na wika niya ay napapanahon na, siya ang nagpakilala kay Princess Lady Ann bago ito magtalumpati at bago pangunahan ang Christmas Lighting Ceremonies sa labas ng mall.

Nagtalumpati rin si Mr. Alex Cruz ng Xentro mall at kanyang pinasalamatan ang mga dumalo at mga panauhing pandangal sa nasabing okasyon na dati-rati ay ginagawa lamang nila sa kanilang tahanan ngunit nang magkaroon na sila ng mga malls ay minarapat na nilang sa mga ito gawin ang kanilang Chrstmas Lighting.

Nagbigay rin ng kanyang talumpati ang isang panauhing pandangal na si Fernand Fernandez, isa sa mga kapartner kasama ni Princess lady Ann sa ginanap na investment signing at kasabay ng Christmas lighting.

Ginawang memorable at makabuluhan ang nasabing okasyon ng umawit si Princess Lady Ann ng mga awitin ni Celine Dion na siyang nagpagami ng mga Mall goers. Sa kasagsagan ng pag awit ng prinsesa ng masa ng tatlong awitin ay dagsa-dagsang tao ang nagtungo sa venue kung saan ginaganap ang signing hanggang umabot sa labas ng mall.///Abdul Malik Bin Ismail, 09262261791, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net

-30-