Produkto ng Indonesia idinisplay sa isang bazaar sa embahada kasama ang Indonesian Ambassador

H. E. Ambassador Agus Wijojo of Indonesia graced Indonesian Bazaar at Embassy in Manila

Tila bahagi na ng ating lipunan ang pagkonsumo ng mga produkto buhat sa ibayong dagat at nakahalo na ito sa mga prodktong ginagamit natin pang araw-araw. Bilang Muslim napaka halaga na hindi lang masarap at masustansya ang mga prodtong pagkain na gagamitin at ibibinenta lubhang mahalaga ang pagiging sertipikadong Halal ng mga nasabing produkto.

Nitong nakaraang May 10, 19 at 20 sa kanilang embahada sa Makati City ay nag organisa ng isang bazaar ang embahada ng bansang Indonesia upang ibahagi at ipagmalaki ang kanilang mga produkto. Pagkain, damit at iba pa kasama din ang tulong medikal para sa mga taong makikibahagi sa nasabing aktibidad,

Mismong ang embahador ng bansang Indonesia na si H. E. Ambassador Agus Wijojo ay personal na nakibahagi sa nasabing aktibidad na dinaluhan naman ng kapwa mga Indonesian nationals at mga pinoy na nasa paligid lang ng embahada at maging mga naimbitahan nilang mga panauhin.

Makikita sa kanilang poster o sa larawang kasama sa istoryang ito ang mga produktong indonesian na matagal ng narito sa bansa at bahagi na ng karaniwang diet ng pinoy, makikita rin ang mga kumpanya na bahagi ng pag asenso ng ekonomiya ng Pilipinas. ///Abdul Malik Bin Ismail, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at abdulmalikbinismail6875@gmail.com