
LUNGSOD NG TAGUIG, METRO MANILA- MAY 3, 2021 BINUKSAN ang tanggapan ng isa sa miyembro ng parliament ng Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM) upang magsilbing daan para maabot nito ang mga kababayang malayo sa BARMM at mabigyan ng kaukulang serbisyo lalo ngayong kasagsagan ng pandemya.
Ang nasabing opisina ay kay Sultan Edrieza H. Nasser Rimbang Al Hajj, isang miyembro ng BARMM Parliament na siya ring nag cut ng ribbon at nagbukas ng kanyang tanggapan. Inaasahang dadalo sa nasabing aktibidad ay sina Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, Taguig City Mayor Lino Cayetano, DILG USec. For Barangay Affairs Martin B. Dino, Madam Princess Romaniah E. Rimbang, Manila Muslim Affairs Director Shey Sakaluran Mohammad-Yu na nagrepresenta kay Manila Mayor Isko Moreno.
Ngunit sina DILG USec. For Barangay Affairs Martin B. Dino at Manila Muslim Affairs Director Shey Sakaluran Mohammad-Yu ang nakarating.
Ginanap ang nasabing aktibidad sa PTS-3 Building, #5 E. Balao Street, AFP Officers Village Western Bicutan Taguig City tabi ng punong tanggapan ng Technical Educationand Skills Development Authority ( TESDA) nitong May 3, 2021 (lunes) dakong 1:00PM.
Isang malaking bagay para sa mga kapatirang Muslim sa labas ng BARMM o ng Mindanao ang pagkakaroon ng tanggapan ng kahit isa lamang sa mga miyembro ng parliament, ito ay upang matiyak na ang mga programa at proyekto ng BARMM ay maka abot sa mga kapatirang Muslim na lubos na nangangailangan kahit anong tribo pa ang kanilang kinabibilangan.
Samantalang naging katuwang sa pagtawag at pamamahagi ng impormasyon para sa mga mamamahayag ang opisyal ng Philippine Press Club na si Ginoong Manolito Liwanag///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net
SATELITE OFFICE OF THE BANGSAMORO PARLIAMENT MEMBER METRO MANILA JUST OPENED

Alhamdulillah wa Shukrulillah! On behalf of the Maharlika Muslim commmunity under the good leadership of Barangay Chairman, Hon. Harry Pautin, the Jamaa of Garden Masjid of Maharlika under the management of Admin. Asmad Badlis, the Grand Imam, Ustadz, Ahmad Hamjatin, and all Volunteers of GARDEN MASJID, we wish to express and convey our heartfelt and boundless thanks to HAJI RAFIQUE FOUNDATION, LONDON based organization especially to BROTHER IRFAN BHATTI for the humanitarian Relief and continued supports and sharing of blessings every RAMADAN and EIDIL FITR, despite of the Pandemic all over the world. We would like also to thanks to Dr. Hji Jack Undain, my Adviser, Ustadz Naguib Taher, Mufti of NCR and my Vice Chairman in the Muslim Consultative Council, Taguig City for his moral support and giving Islamic remiders/lectures to the Jamaa. MARAMING MARAMING SALAMAT AND BARAKALLAHU FIYKUM AND RAMADAN MUBARAK TO ALL.



Mga larawan buhat sa facebook account ni Bro. Jadjurie H. Arasa
Muli na namang nagbigay ng tulong ngayong kasagsagan ng Ramadhan 2021 ang Haji Rafique Foundation, isang organisasyong naka base sa London, UK., ibinahagi nila ang pagtulong sa Jamaa ng Garden Masjid ng Maharlika.