VALENZUELA CONGRESSMAN SHERWIN GATCHALIAN SUPORTADO ANG VMACC

 

SINUSUPORTAHAN ni Valenzuela Congressman Sherwin Gatchailian ang mga efforts ng Valenzuela Muslim Affairs Consultative Councilsa layunin nitong pangalagaan ang kapakanan ng muslim Community sa kanilang Lungsod.

Ang VMACC ay creation ng tanggapan ng alkalde ng Valenzuela nuong panahon ni Gatchalian bilang Punong Lungsod at halos siya ang nag inisyatibong lumikha nito dahil sa lumalaking populasyon ng mga Muslim sa kanilang lugar na kaagapay rin naman sa pag unlad pang ekonomiko.

Nauna nang dapat ay bibigyan ng tanggapan sa munisipyo ang grupo nung nakaupo pa si gatchalian bilang mayor ngunit naantala ito sa ibat ibang kadahilanan na mas kapaki pakinabang sa buong lungsod.

Naunawaan naman ng pamunuan ang hangarin ng nuon ay lakalde kaya ngayon na siya ay isa nang Congressman ay inaasahang matutupad na ang kanyang mga naipangako sa grupo.

Kabilang sa mga nakipag usap kay Valenzuela Congressman Sherwin Gatchalian sa kayang tanggapan pandistrito sa Malinta ay sina Gamal M. Bato, Pangulo ng Valenzuela Muslim Affairs Consultative Council (VMACC), mga opisyales na sina Alibaser D. Abdulgapor, Ahmad S. Macabando, Abdulwatan Muhamad, Naseef Macarik, Haji Azis Baculodan, junaid M. Sangca at mga opisyal ng www.diaryongtagalog.net na sina Abdulmalik MN Balaguer at Maryam Jannah EO Balaguer, ang Web Administrator at Publisher ng nasabing pahayagan bilang mga Official Media Partners at Information Officers.

Ayon kay Gatchalian ay ipatutupad na niya ang pagbibigay ng office space o tanggapan sa VMACC upang magkaroon sila ng legal identity bilang legitimate muslim organization kaakibat ang pagkakaloob ng honorarium sa mga opisyal nitong nabanggit.

Napag alamang may mga kapareho ring prebilehiyo ang ilang konseho ng Muslim sa ibat-ibang bahagi ng bansa kagaya ng Manila Muslim Affairs Coordinating Council (MMACC) sa Lungsod ng Maynila na pinangungunahan ni Prof. Jupakar Arabani Bilang Chairman at Bulacan Muslim Affairs Consultative Council (BMACC) na pinangungunahan naman ni hadji Yahya Gamor Bilang Executive Officer, habang may mga nilikhang council na talagang independent ngunit inaagapayan pa rin ng LGU katulad ng Malolos Muslim Affairs Consultative Council. (abdulmalik Ismail)

Makikita sa larawan ang mga opisyales kasama si Congressman Gatchalian. sa kaliwa ni Congressman Gatchalian ay sina Maryam Jannah EO balaguer, Abdulmalik MN Balaguer at Abdulwatan Muhammad habang nasa kanan ng mambabatas ay sina Chairman Gamal M. Bato at tatlong pangunahing opisyal ng VMACC.na sina Alibaser D. Abdulgapor, Ahmad S. Macabando, at Naseef Macarik

DSC03113