Kiangan shrine, lugar kung saan sumuko si Yamashita- PVAO

KIANGAN2

Kiangan, Ifugao-ISA sa kinikilalang shrine na pinangangasiwaan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang Kiangan Shrine, ito ang lugar kung saan naitalang sumuko sa mga Pilipinong girilya si General Yamashita at hindi sa mga amerikano.

Ayon sa kasaysayan, September 2 napasuko ng mga girilyang Pinoy ang bantog na heneral ng Japanese Imperial Armed Forces ngunit sa kasaysayan naman ng mga Amerikano ay September 3 ito naganap dahil ayon sa mga dalubhasa natin sa military history, ika-3 dumating ang mga Amerikano kung saan nadakip na ng mga pinoy ang heneral na Hapones.

Isinusulong ng PVAO na kilalanin ng bayan ang mga pagtatagumpay ng ating mga beterano at hindi an gating mga pagkatalo sa digmaan. Bukod sa Kiangan Shrine ay may anim pang pinangangasiwaang mga shrines ang PVAO, ito ay ang Mt. Samat Shrine sa Diwa Pilar Bataan; Capas National Shrine sa Bgy. Arangguren, Capas, Tarlac; Ricarte National Shrine sa Batac, Ilocos Norte; Balantang Memorial Cemetery National Shrine sa Jaro, Iloilo City; Libingan ng mga Bayani sa Taguig City Metro Manila at USAFIP NL Military Shrine and Park sa Bgy. Darigayos, Luna, La Union.

Ginugunita ang linggo ng mga Pilipinong Beterano tuwing April 5-11 kada taon kasama na rin nito ang pagkilala sa kanilang mga kabayanihan at mga sakripisyo para sa bayan nuong nakikipaglaban pa sila sa mga dayuhan, kaugnay nito ay tinutulungan rin ng PVAO ang mga kaanak ng mga bayani ng bayan (beterano) sa pag aaral at pension kaya kahit matagal nang namayapa ang mga bayaning beterano ay buhay pa rin ang kabayanihan nila sa henerasyon ngayon  na inaagapayan ng PVAO. (mike balaguer)

KIANGAN1