Mga bagong Rizal hinahanap; Paglulunsad ng aklat ukol kay Rizal-Fatima at Aktibidad na blood-letting kaugnay ng araw ni Bonifacio

rizal and bonifacio

Mga Bagong Rizal Hinahanap

Maraming klaseng gift, marami rin iba’t-ibang taong may kani kaniyang mga gift.  Ang pagiging gifted ay isang katangiang marami ang pinoy kaya nga nitong nakaraang National Week for the Gifted and Talented 2014 kaalinsabay ng 4th year Anniversary of the Philippine Center for Gifted Education (PCGE) and Launch of the Search for “ Mga Bagong Rizal: Pag-asa ng Bayan 2015” ginanap nitong ika 24 ng Nobyembre 2014, lunes sa Dulcinea Tomas Morato Lungsod Quezon.

Ang huling lingo ng Nobyembre kada taon ay idiniklarang pambansang buwan ng mga gifted at talented baytay ito sa Proclamation no. 199, upang makalikha ng ingay sa pagsulong ng giftedness at mga gifted na mga tao sa bansa ay muling magkakaroon ng nationwide search na tututok sa mga gifted na kabataang pinoy na sa kanilang kabataan ay isinasabuhay ang mga katangian ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na siyang masasabi nating epitome ng pilipinong gifted.

Kasama sa programa ang maikling testimonya ng isa sa nakarang nagwagi na si Joseph Kennedy Tabor at isang pagtalakay tungkol kay Dr. Jose Rizal sa paglalahad ni Prof. Alvin Campomanes, isang historyador. Kabilang sa mga dumalo ay mga advocates sa giftedness, mga guro, psychologist, mga guidance counselors, mga magulang at iba pang gifted na mga tao.

Sa pagsisimula ng programa nagpalabas ng maikling AVP tungkol sa PCGE kasunod ng pambungad na pananalita buhat kay Dr. Leticia Penano-Ho ang Pangulo ng PCGE kasunod ay ang pagtatanghal ng Bata ang Bukas, the Lord is my Shepherd UP Cherubim and Seraphim sa pangunguna ni DR. Elena Rivero-Mirano bilang conductor.

Nagbigay ng awardees Testimonial si MBR 2011 awardee Joseph Kennedy Tabor kasunod ang pagtalakay ng tungkol kay Rizal ni Prof. Alvin Campomanes na nakasuot pa ng sombrero ni Rizal at coat at panghuli ay ang pagpapaliwanag uko sa search for mga bagong Rizal 2015 ni Dr. Leticia Penano-Ho.

Nabatid na ang hulin lingo ng Nobyembre kada aon ay deklarado ng dating angulo Joseph Ejercito Estrada sa kanyang Proclamation Bilang 199 na National Week for the Gifted and Talented.///MJ Balaguer

Aktibidad na blood-letting kaugnay ng araw ni Bonifacio

 Dahilan sa kilala ang pambansang bayani na si Gat Andres Bonifacio sa blood compact at mga kaganapan sa kasaysayan na maituturing na madugo, ginanap kamakalawa ang isang blod letting activity kung saan ang bida sa pelikulang Bonifacio: Unang Pangulo ang isa sa nakibahagi.

Pinangunahan ng actor na si Robin Padilla ang Bonifacio Day Celebration sa pamamagitan ng kanyang pagdo donate ng dugo kasama si Executive Directr ng National Historical Commission of the Philippines Hon. Ludovico Badoy at Regional Director ng Philippine Information Agency, National Capital Region Hon. Riza J. Baldoria bilang panauhing pandangal. Ang aktibidad ay ginanap sa College of Mass Communication ng University of the Philippines sa Diliman, Lungsod Quezon ika 27 ng Nobyembre 2014 at nagsimula dakong alas 8 y media ng umga.

Ang naganap na imbitasyon ng National Historical Commission of the Philippines at ngPhilippine Information Agency sa Kalahi, Kasapi, Kadugo na isag aktibidad ng blood-letting ay bilan pagdiriwang na rin sa ika 151 kaaawan ng bayaning si Gat. Andres Bonifacio.///Michael N. Balaguer

Paglulunsad ng aklat ukol kay Rizal-Fatima

Ginanap ang Book launch ng The Philippines as the Pilgrimage Country of Grace, The Rizal Prophecy At The Fatima Prophecy nitong 25 November 2014 martes mula 9:00-11:00 AM sa Rodriguez, Rizal Pamitinan Protected Landscape.

 Ang aklat na The Philippines as the Pilgrimage Country of Grace The Rizal Prophecy The Fatima Prophecy ay published ng Rizal-Blumentritt Pamahalaan Academy at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ito rin ay co-authored ni Dr. Consolacion R. Alaras at Atty. Rafael A. Morales. Ang nasabing mga alat ay maaring gamitin para sa  workshops ng mga government agencies, institutions, at sectors.

 Nais ng nasabing paglulunsad na transform 2015 bilang taon ng biyaya –at pagtitiyak ng pamahalaan at simbahang katoliko bilang paghhanda na rin na napipintong pagdating o pagbisita sa January 15-19, 2015 Pastoral and State Visit sa Pilipinas ni His Holiness Pope Francis.///Michael n balaguer