SINAUNANG KAHARIAN NG LUPAH SUG ITINAAS MULI ANG WATAWAT
ITINAAS at iwinagayway muli ang watawat ng sinaunang kaharian ng Lupah Sug, sinasabing mas nauna pa sa Sultanato ng Sulu at Hilagang Borneo na may punong tanggapan sa Kanaway Lungan Gitong, Parang Sulu, Lupah Sug, bahagi ng Pilipinas ngayon.
Sinaksihan ng napakaraming residente ng lugar na pawang Muslim, mga opisyales ng imperyo na pinangunahan nina Raja (Hari) Mohammad Ghamar Mamay Hasan Abdurajak Shariff Al Sultan Ghamar Bin Abdul Ghapar Jamalul Kiram III, ika-34 Sultan ng Sulu at Hilagang Borneo at ika-16 Sultan ng Timog Silangang Asya, Sovereign Judge ng Federal Republic of Lupah Sug at ang Hari ng Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo;
Kasama si Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak Ju Xi Mulan Helen Bin Raja Baginda Ali Abdurajak, Reyna nang kapuluan ng Pilipinas, MAPHILINDO Ma63, Ang Sovereign Judge ng Republic of Lupah Sug at Reyna ng Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo.
Muli nang naitatag ang dating bansa sa pamamagitan ng pagwawagayway muli ng watawat nito at pag awit ng pambansang awit na sinasabing pinagkopyahan ng pambansang awit ng Pilipinas na “Lupang Hinirang” dangan lamang ay nakaliwat ito sa wikang Tausug.
Dahilan sa naitatag nang muli ang bansa, sa loob ng isang bansa gaya ng Vatican sa Roma Italya, Luxemburg sa Pransya at Timor Leste sa Indonesia, inaasahang isang matunog na ingay ang idudulot ng pagpapahayag na ito ng isang bagong bansa sa mga bansang nakakasakop na rito gaya ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia, maliban sa Brunei Darussalam at Singapore.
May Selyo, Watawat, Hukbong Sandatahan at tiyak na mga teritoryo ang bagong bansang may pangalang Federal Republic of Lupah Sug na kinabibilangan ng Mindanao, Sulu at Palawan para sa Pilipinas, Sabah at Sarawak para sa Malaysia at Kalimantan at Bulungan ng Indonesia.
Ngayong Ika 3 ng Enero, 2019 mahalagang mga dokumento mula sa Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo ay dinala sa tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas Rodrigo Roa Duterte sa Malacanang, Manila na kinabibilangan ng A. The Global Financial Consortium Appointments, B. Notarized Declaration on the Status of the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo, C. Attestation, D. Proclamation in Longan Gihtung Parang Sulu, Federal Republic of Lupah Sug at E. Attendance.
Ang pangunahing tutugunan ng kaharian o ng pamahalaan ng bagong bansa ay ang mga programang socio ekonomiko upang gumalaw ang ekonomiya ng lugar at magkaroon ng kaluwagan sa pananalapi ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming oportunidad sa trabaho upang alisin sila sa kahirapan ito ay sa pamamagitan naman ng mga imbestor na dayuhan.
Kaabang-abang ang mga susunod na ipapahayag kapwa ng Hari at Reyna ng Lupah Sug at ang mga implikasyon nito sa mga bansang nasasakupan ng mga teritoryong kanyang tinamaan ngunit kung tutugaygayin ang kasaysayan ng mga Tausug sa bahaging ito ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia) aabot sa kongklusyon na hindi bago ang paglitaw ng Lupah Sug dahil ito ay isang bansang mas nauna pa sa Sultanato ng Sulu at sa mga bansang Indonesia, Malaysia at Pilipinas.///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com
RESTORED ANCIENT KINGDOM OF LUPAH SUG RAISED THEIR FLAG AGAIN
RAISING their flag again was the a momentous occasion for the people of the restored ancient kingdom of Lupah Sug which pre dates the Sultanate of Sulu and North Borneo from whom their office is now situated in Kanaway Lungan, Gitong Parang, Sulu, Lupa Sug still a part of the Philippines.
Witnessed by the overwhelming majority of residents which were predominantly Muslim, graced by officials of the Empire lead by their King Raja Mohammad Ghamar Mamay Hasan Abdurajak Shariff Al Sultan Ghamar Bin Abdul Ghapar Jamalul Kiram III, 34th Sultan of Sulu and North Borneo and 16th Sultan of South East Asia, Sovereign Judge of the Federal Republic of Lupah Sug and King of the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo;
With Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak Ju Xi Mulan Helen Bin Raja Baginda Ali Abdurajak, Queen of the Philippine Islands, MAPHILINDO Ma63, the Sovereign Judge of the Republic of Lupah Sug and Queen of the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo.
The Flag was raised again when the country was restored and it fly along with the Philippine Flag while the National Anthem was being sung in the Tausug language, history says that it was the template for the Philippine National Anthem “Lupang Hinirang”.
Because of the restoration and the re-establishment, Lupa Sug is like the Vatican In Rome, Italy; Luxemburg in France and Timor Leste in Indonesia, with these events it is expected that it will create a sensation and influence countries which has territories bordering with Lupah Sug like the Philippines, Malaysia at Indonesia, excluding Brunei Darussalam and Singapore.
They have an Official Seal, Flag, Standing Army and fixed territory under the name of the Federal Republic of Lupah Sug which includes Mindanao, Sulu and Palawan for the Philippines, Sabah and Sarawak for the Federation of Malaysia and Kalimantan and Bulungan for Indonesia.
This 3rd Day of January, 2019 pertinent documents of the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo was sent to the Office of the President of the Republic of the Philippines Rodrigo Roa Duterte in Malacanang, Manila which includes A. The Global Financial Consortium Appointments, B. Notarized Declaration on the Status of the Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo, C. Attestation, D. Proclamation in Longan Gihtung Parang Sulu, Federal Republic of Lupah Sug and E. Attendance.
The Primary focus of the kingdom are socio economic development for the physical economy on the territory to move by way of massive job creation to give the people purchasing power and alleviation from poverty through foreign investment.
Anticipating the future pronouncements of the King and Queen of Lupah Sug and its implications to the existing nations in the fringes of its territories but coming to terms with history with regards to the Tausug in this part of MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia) we could come up to the conclusion that the emergence of Lupah Sug is not an accident because it pre dates the Sulu Sultanate, Indonesia, Malaysia at Philippines.///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com