“Tinubuang lupa”ni Alwin Reamillo salamin ng buhay ni Gat Andres Bonifacio

DSC00393

Maynila, Pilipinas- Maituturing na mas maigi pang gawing pambansang bayani kaysa lahat ng bayani natin ngayon itong si Gat Andres Bonifacio dahil sa lahat ng kahirapang dinanas niya makamtan lang natin ngayon ang ating tinatamasang kalayaan.

Iyan humigit kumulang ang pagkakahalintulad ng sining na likha ng Australia Based artist na si Alwin Reamillo na makikita ngayon sa punong tanggapan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

DSC00392

Kasabay ng paggunita ng 150 taong kapanganakan ng nagtatag ng Katipunan,ipinamamalas ni Alwin sa kanyang obra ang naging buhay ni Gat Andres na wari ay naging kahalintulad ng nangyari kay Hesukristo. Makikita ito sa kanyang paglalagay ng mga palaspas pang halintulad sa pagpasok ng Kristo nuon sa Herusalem ayon sa Bibliya.

Makikita naman ang sagisag ng pagkapangulo ng bansa na nakabaon sa lupa dahil batid ng lahat na inutos ni Emilio Aguinaldo na patayin sa Gat Andres na nuon ay ang Defacto President ng bansa. Mga buto, baril at mga punit punit na salapi, simbulo ng mga kasawian ng bayan nuon at ngayon na batay rin sa mga naranasan ni Bonifacio dala ng paggunita sa kanyang kabayanihan. (michael balaguer)

DSC00401