
MASASABING isang tagumpay para sa manggagawang pilipino sakaling maihalal bilang senador ngayong halalan si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre H. Bello III sa dami ng kanyang nai ambag at naitulong sa sektor paggawa sa bansa.
Hindi na bago sa pamahalaan si Sec. Bello sapagkat matagal na siyang nagsilbi bilang lingkod bayan mula sa kanyang lalawigan sa Isabela hanggang sa ibat-ibang tungkulin sa ehekutibo at lehislatura.
Pangunahing mga itinulong ng kanyang kagawaran sa kanyang pangunguna ay ang pagkalinga sa mga manggagawa ngayong pandemya na labis na naapektuhan bunsod ng kabi-kabilang pagsasara ng mga kumpanya at pagtigil ng kanilang mga operasyon.
Sa naging panayam ng DZMJ Online kamakailan sa kalihim sa tanggapan nito sa Intramuros kanyang binaggit ang mga programa ng kagawaran na tungkol sa pagbibigay ng trabaho sa mga impormal na sektor at sa mga kababayan nating mga manggagawa na umuwi mula sa ibayong dagat.
Sa huling bahagi ng panayam naitanong sakaling mahalal ito sa mataas na kapulungan kung ano ang mga panukala na nais niyang isabatas kabilang sa nabanggit ay ang pagtatanggal ng mga qualifying examinations gaya ng Board at Bar kabilang rin ang Security of Tenure para sa mga manggagawa. Ang buong usapan ay makikita sa DZMJ Online video interview.
Naitanong naman ng pahayagang ito ang tungkol sa kanyang opinion hinggil sa isyu ng West Philippine Sea at kaisa siya sa paniwalang dapat na joint exploration ang gawin ng mga bansang gaya ng Pilipinas at China at pag usapan ng mga diplomat ang bagay na ito, katulad ng katwiran ng dating Philippine Ambassador to China na si Amb. Francis Chua///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net and michaelbalaguer@yahoo.co.uk
Bello at the Senate, Triumph of the Labor Sector
-30-