preferential rating para sa di pumasa sa civil service exams, maaring mag hire ng JOCOSC6 hanggang dec 2025 at pawn shops hindi sakop ng 500k deposit insurance

MAY pagasa ng maging regular na kawani ng gobyerno ang mga JOCOSC6 o job order contract of service and casual contractual coterminous na kawani na May hawak na category III at category IV na May 10 years or more na sa serbisyo.

sa pulong balitaan na ginanap sa Philippine Information Agency tungkol sa Civil Service Commission dumalo sina Jose a Torres Jr director general ng PIA, Karlo Alexei b nograles, CSC Chairman, Judith dongallo Chicano, Prisco s Rivera JR., Helen Grace t Ramos.

sa ilalim ng CSC Resolution no. 2301123 promulgated nuong december 7 2023. Ayon kay nograles maraming mga JOCOSC6 na sanay na sa kanilang trabaho, May maayos na academic background at higit sampung taong na sa serbisyo ngunit hindi pumapasa pag nag e exam.

May talaan ang CSC ng mga exeminee na bumagsak mula 70 to 79 ang rating kaya kung May mag exam na makita nila ang pangalan sa kanilang talaan ay iyon ang bibigyan ng preferential rating. Ang deadline ng application ay 6 months after ng exam.

///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

maaring mag hire ng JOCOSC6 hanggang dec 2025

MAARING nag expire ang contract kaya hanggang duon na lamang ang pagtatrabaho sa ahensya, ito ang sinabi ni CSC Chairman Karlo Alexei Nograles patungkol sa mga tinanggal na kawani.

binanggit kasi ang tungkol sa mga tinanggal na kawani ng Komisyon sa Wikang Filipino, Filipino Sign Language unit kaya nabuksan ang usapan sa pulong balitaan ng CSC.

sinabi kasing pina i extend ni President Ferdinand Romualdez Marcos JR ang mga tkontrata ng mga JOCOSC6 nguni’t ayon kay nograles yun ay sa mga kawani hanggang 2023 kaya ang sinasabing ii extend ay up to 2025.

inaasahan din ni nograles na sa pamamagitan ng nasabing preferential rating ay madagdagan ang mga kawani ng gobyerno na civil service eligible. /// Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

pawn shops hindi sakop ng 500k deposit insurance

HINDI sakop ng Philippine Deposit Insurance Corporation ang mga pawnshop kahit nag o offer sila ng mga deposit services at May mga debit cards silang May feature ng withdrawals at deposit.

Ayon sa PDIC ang mga kooperatiba pati na rin ang mga sanglaan ngayon ay May mga features na parang bangko May deposit at withdrawal din pero ang binibigyan ng insurance na deposit worth 500,000 ay yang mga bangko na nasa listahan ng bangko sentral ng Pilipinas.

nananawagan ang PDIC sa mga mamamayan na tangkilikin ang mga bangko dahil ito lang ang May deposit insurance na 500,000 kada depositor kung magsara ang bangko.

samantala dahil walang Islamic bangko g sa bansa at dumarami na ang mga Muslim na nagnanais mag impok sa bangko, sa kabila ng mga Islamic desk sa mga commercial banks magkakaroon na ng Islamic Deposit Insurance System ang PDIC ///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com