ULO NG MGA DAYUHANG CHAMBER OF COMMERCE NAKIBAHAGI SA 43rd BPC&E; KIKITAIN NG CHRISTMAS AT MANILA BAY ITUTULONG SA MGA BATA at 8TH ASEAN REGIONAL TRIPARTITE DIALOGUE ISINAGAWA

LOKAL at dayuhang Chambers of Commerce ang dumalo sa unang araw ng 43rd Philippine Business Conference and Expo na ginanap sa Manila Hotel nitong October 18, 2017.

isa dito ang Pangulo ng Chamber of Commerce sa bansang Mozambique sa kontinente ng Africa na dumayo pa sa bansa upang makibahagi lang sa isang napakahalagang okasyon sa pagnenegosyo.

Sa bahagyang panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Juliao Dimande, pangulo ng Camara de Comercio de Mozambique, lumagda na ng kasunduan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry at siyang representante ng kanilang bansa upang magtulungan sa bahagi ng pagnenegosyo.

Ang Mozambique ay isang nansang gaya ng Pilipinas na maituturing na nasa 3rd world rin sa kabila ng mayaman nilang likas na kayamanan ay hinahadlangan pa rin ng mga panloob na alitan ang pag usad ng kanilang ekonomiya.

Wika ni Dimande, inaasahan niyang magiging matagumpay ang kanilang pagtutulungan para sa ikauunlad ng bawat bansa, nabanggit rin niyang nakasalalay sa tamang edukasyon sa pamumuhunan, pagnenegosyo ang kailangan.

Ang pagpapatuloy ay matatagpuan sa PAGGAWA page.-Bernardo Giron, 09272402984-

-30-