WALONG INDIBIDWAL NAGPANGGAP, DBM NAGLABAS NG ₱1.134 BILYON at PARA SA PAGPAPABUTI NG FISHPORTS

WALONG INDIBIDWAL NA NAGPAPANGGAP NA OPISYALES NG DBM, NASAKOTE NG MGA OTORIDAD

Walong indibidwal na nagpapapanggap na opisyales o konektado sa Department of Budget and Management (DBM) ang nadakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation na isinagawa sa Mandaluyong City kahapon, ika-26 ng Marso taong 2024.

Ayon sa inisyal na report na inilabas ng NBI, nabatid na noong una ay nagpakilala ang isa sa mga suspects bilang isang Undersecretary umano ng DBM sa complainant upang makakuha ng pera kapalit ng pagtulong umano nito sa pagpapalabas ng pondo para sa ilang proyekto ng gobyerno. Ayon rin sa NBI, sinabi ng parehong suspect na siya raw ang may hawak ng special projects ng DBM.

Base sa detalye ng complaint, nangako ang suspects na makaka-secure ang complainant, na isang project contractor, ng P1.3 billion worth of projects sa gobyerno sakaling sila ay magkasundo sa gagawing deal. Ang proyektong ito raw ay para sa pagpapatayo ng isang dam na popondohan umano ng DBM. Nagbigay rin umano ng kasiguraduhan ang suspects na ang proyekto ay mai-aaward sa complainant, ngunit bago ito, kinakailangan umano munang magbigay ang complainant ng pera o “grease money” para sa “Blue Print” ng proyekto, o upang insiyal na maiproseso ang mga dokumento para mai-award ang proyekto sa complainant.

Mabuti na lamang at ang contractor ay nagsagawa ng inisyal na beripikasyon sa DBM kung saan napag-alaman nito na walang opisyal ang ahensya sa ganoong pangalan, at wala rin umano ang proyektong binabanggit ng suspects sa records ng ahensya.

Dahil dito, agad na nakipagtulungan ang DBM sa NBI upang magsagawa sa isang entrapment operation, kung saan agad na nadakip ang mga suspects sa isang restaurant sa Mandaluyong City, matapos nitong tanggapin ang marked money na nagkakahalaga ng P500,000.00 mula sa NBI.

“Mariin po nating kinokondena ang ganitong klaseng gawain. May proseso po tayong sinusunod na naaayon sa mga umiiral na batas,” ayon kay DBM Sec. Mina F. Pangandaman.

“We hope that with this successful entrapment, we are able to send a strong statement to the public that the DBM will never tolerate fraudulent activities like this. Seryoso po ang DBM sa paglaban sa katiwalian gaya po ng ganitong mga gawain. Kaya naman po hinihikayat ko po ang taumbayan na agad magsumbong at i-report kung may mga mae-encounter sila na ganitong mga indibidwal,” dagdag pa ni Sec. Mina.

Ayon sa latest report ng NBI, nagpahayag ang dalawa sa mga suspects ng kanilang kagustuhang maging witness laban sa iba pang suspects.

-30-

DBM, naglabas ng ₱1.134 Bilyon para sa restoration ng mga Heritage School Buildings ng DepEd

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglabas ng isang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng ₱1.134 bilyon para sa pangangailangan sa pondo ng Department of Education (DepEd) para sa Conservation and Restoration ng Gabaldon School Buildings at iba pang Heritage School Buildings.

Ang Gabaldon School Buildings, o kilala rin bilang Gabaldons, ay mga heritage school buildings sa Pilipinas na itinayo noong panahon ng kolonyalismo ng Estados Unidos. Nagmumula ang inspirasyon ng kanilang arkitektura sa tradisyunal na bahay kubo (nipa hut) at bahay na bato (stone house). Sa kasalukuyan, mayroong 2,045 Gabaldon Schoolhouses sa buong Pilipinas.

“Let us restore and preserve the dignified spaces of our Gabaldon School Buildings and other heritage structures. Whether nestled in bustling cities or remote provinces, these historic edifices hold the promise of progress. Together, we forge a path toward a renewed Philippines, leaving no one behind as espoused by President Bongbong Marcos’ vision of a Bagong Pilipinas,” sinabi ni DBM Secretary Mina F. Pangandaman.

Inaprubahan ni Secretary Pangandaman ang pag-release ng SARO para sa nasabing layunin noong 01 Marso 2024. Sakop ng alokasyon ng pondo ang mga sumusunod na rehiyon: Cordillera Administrative Region, CARAGA, National Capital Region (NCR), Rehiyon I, II, III, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, at XII.

Itinakda sa Special Provision no. 21 ng FY 2024 GAA at alinsunod sa RA 11194 at ang implementing rules and reguations (IRR) nito, ang mga heritage school buildings, kasama na ang mga Gabaldon school buildings, ay dapat mapanatili at maibalik bilang bahagi ng mga pagsisikap sa pagpapahalaga sa kultural ng bansa .

Kasama sa proseso ng pagpapanumbalik ang mga pagpapabuti sa site tulad ng pag-level at pag-grado sa lugar ng paaralan, na may mataas na pagsasaalang-alang sa kaligtasan at integridad ng gusali, at pag-alis ng mga sagabal at hindi ligtas na mga istraktura sa paligid ng gusali ng Gabaldon.

Bukod dito, dapat ding tiyakin ng DepEd at Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang mga nabanggit na paaralan ay ganap na maibalik at hindi lamang na-renovate o na-rehabilitate.

Ayon sa representasyon ng DepEd, isinasagawa ang isang joint inspection ng mga gusali kasama ang National Commission for Culture and Arts, National Historical Commission, at National Museum of the Philippines.

Ang inilabas na halaga ay nakatakda na magbigay benepisyo sa 654 silid-aralan sa 83 sites sa buong bansa.

-30-

Para sa pagpapabuti ng mga fish port, DBM naglabas ng P6.037 bilyon sa Philippine Fisheries Development Authority

Binigyan ng clearance ni Department of Budget and Management Secretary Mina F. Pangandaman ang pagpapalabas ng P6.073 bilyong kabuuang authorized appropriation ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), na nagsisilbing National Government (NG) subsidy ng fiscal year 2024 upang ipatupad ang Fisheries Infrastructure Development Program ng Authority.

“Our shores are more than mere lines on the map. It is among the driving forces of our nation. Enhancing and maintaining strategic and globally competitive fish ports would allow our ships and crews access to essential supplies and services, and for vessel operators to successfully bring in their catches, safeguarding the livelihood of our fishermen,” pahayag ni Secretary Pangandaman.

Ipinapakita ng data mula sa World Bank na nag-aambag ang sektor ng pangingisda ng 1.3 porsiyento sa gross domestic product (GDP) ng Pilipinas, at humigit kumulang 1.6 milyong trabaho o may 4 na porsiyento ng labor force, na kinabibilangan ng mga low-income na pamilyang nakikibahagi sa subsistence fishing.

Kinakatawan ang Congress-Induced Changes in Appropriations, gagamitin ang P1.1 bilyon para sa pagpapatayo, rehabilitasyon, at pagpapabuti ng mga fish port at iba pang pasilidad para sa fishery post-harvest sa bansa.

“Kapag maayos at napangangalagaan ang ating mga fish port, malaking pakinabang ito sa kabuhayan ng mga mangingisda at sa kaunlaran ng komunidad. Kaya sinisiguro po natin na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos, may kaukulang suporta ang mga proyekto para sa kanila,” dagdag ni Secretary Pangandaman.

Pinapanatili ng PFDA ang operasyon ng siyam (9) na Regional Fish Ports (RFPs) partikular sa Navotas, Iloilo, Zamboanga, Camaligan, Lucena, Sual, Davao, General Santos, at Bulan Fish Port. Katuwang din nitong pinamamahalaan ang Tacloban Fish Port kasama ang munisipalidad ng Leyte.

Nilikha ang PFDA, isang attached agency ng Department of Agriculture, upang isulong ang pag-unlad ng industriya ng pangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga post-harvest infrastructure facilities at mga mahahalagang serbisyo na magpapabuti sa kakayahan sa paghawak at pamamahagi ng mga produktong isda at pangisdaan at magpapahusay ng kanilang kalidad.

Nilagdaan ang Special Allotment Release Order (SARP) noong ika-28 ng Pebrero 2024. Ang budget ay irerelease sa PFDA sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.

-30-