66th FAMAS nominee victory party dinaluhan ng mga bituin

Dinaluhan ng mga kilalang bituin sa pinilakang tabing, telebisyon, teatro at mga dukumentarista ang nominee victory party ng 66th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o ang prestihiyosong FAMAS awards.

Pinangunahan ng kasalukuyang Pangulo ng Famas Ms. Francia Conrado ang paalatuntunang sinimulan sa paggawad ng mga plake sa mga nominado pa lamang sa nasabing patimpalak. Naroon ang dating Pangulo na si Eloy Padua at batikang manunulat sa pelikula at telebisyon Ginoong Ricky Lee at nagsilbing guro ng palatuntunan ang aktor na si Lance Raymundo.

Beteranong mga artista ang nasilayan sa nasabing okasyon kabilang sina Bembol Roco, Ricky Davao, Dexter Doria, Yayo Aguila kabilang din ang mga aktor at aktres na sina Jolit Lorenzo, Edgar Allan Guzman, Mon Confiado, Allen Dizon, Noel Comea Jr., Julia Barretto at Joshua Garcia.

Kabilang rin sa mga nagsidalo ay sina Ms. Alice Reyes ng ALIW Awards at Ms. Madonna Sanchez na Executive Producer ng FAMAS. Katumbas ng FAMAS ay ang OSCARS sa America at sa nasabing parangal, mai nominate lamang ang isang aktor ay isang malaking karangalan na, dito sa bansa, maituturing na isang “achievement” sa isang artista kung ang pag arte nya ay wika nga “pang- FAMAS”, ibig sabihin ay maituturing siyang isa sa pinakamahusay. Sundan sa ALIWAN Page