Ikatlong Episode ng Celebrity Hour sa Tiara Oriental

GINAGANAP sa Tiara Oriental Hotel sa likod ng Centro Escolar University sa Makati City ang pinakabagong Celebrity Oriented Forum kung saan ikatlong Episod na kung baga sa seryeng pang telebisyon.

Pinangungunahan ito ng dalawa sa batikang personalidad sa industriya ng Entertainment na sina Eloy Padua, Pangulo ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) at ang kilalang International Psychic na si Danny Atienza.

Kabilang rin sa mga nangunguna sa nasabing forum ay mga mamamahayag at kolumnistang gaya nina Emi Abuan, Juvy De Guzman at MJ Balaguer. Nitong unang pagtatanghal ay naging bisita nila si Lance Raymundo, ang mang aawit at artistang napabalita nito lang na nabagsakan ng barbell sa mukha habang nagwo work out sa gym.

Nitong sabado ay bisita nila si dating Senador at Broadcaster na si Sen. Eddie Elarde. Ginaganap ang Celebrity Hour tuwing Sabado dakong alas 9 hanggang alas 11 ng tanghali, napapanood rin ito sa GNN at ang programa nina Danny Atienza at Eloy Padua na Tsismax sa nasabi ring cable network. (jane balaguer)