
A SCENTED MOVING PICTURE OF JEWEL AND GRAIN
Kasabihan nga, dapat na inuuna natin ang Diyos bago ang lahat at kapag ipinaubaya natin sa kanya ang buhay natin siya na ang magdadala sa atin sa tagumpay.
Ang nasabing kasabihan ay naging totoo sa isang tao na naabot ang kanyang mga pangarap at naging matagumpay mula sa simpleng pamumuhay sa lalawigan hanggang pas asensong tinatamasa sa kalunsuran.
Isang Entreprenyur, Direktor ng mga pelikulang Independent, nag oorganisa ng mga Event at isang payak at masayahing nilalang, dyan maihahalintulad itong si Kitz Acebuche o Mark Tan, na kanyang screen name.
“Nagsimula akong magprodyus ng mga pelikula na ipinalalabas namin sa mga maliliit na sinehan sa Maynila, yung ang mga tema ay medyo nakakakiliti” kwento ni Direk Mark sa kanyang mga kaibigan sa isang usapan.
Malayo sa kanilang simpleng buhay sa baying sinilangan niya sa Dolores, Eastern Samar, “Direk Mark” na nakagawian nang itawag sa kanya ng mga katrabaho, kaibigan at mga malalapit sa kanya, natamo niya ang kanyang mga pangarap at magandang buhay na nakatungtong pa rin ang kanyang mga paa sa lupa..
“Hindi naman ako mayaman, nagkataon lang na marami ankong mga anghel na gumabay sa akin sa maayos na daan kaya ako narito ngayon” masayang pagkukuwento niya ng buhay sa kanyang mga kaibigan.
Ang kahalagahan ng pagmamahal sa pamilya, sa mga kaibigan at kamag anak lalo ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa kanya ang siyang nagtutulak sa kanya paangat sa itaas at sa kanyang 33 taon gulang ay masasabing tunay na niyang naungusan ang kahirapan.
“Ang napapansin ko lang na kahinaan ko ay masyado akong mabait, madali akong magtiwala sa tao, hindi ko na nga minsan malaman kung sino ang tama o maling tao pero salamat sa Diyos dahil patuloy niyang inilalapit sa akin ang mga tamang tao at hindi ko na lang pinapansin yung mga mali” masayang ibinabahagi niya sa kanyang mga kaibigan ang kwento ng kanyang buhay.
Totoo nga na ang isang malayong paglalakbay ay magsisimula sa isang hakbang at ang nasabing hakbang ay ginawa nga ni Mark at nagresulta ito sa lugar kung nasaan siya ngayon.
“Bukod sa negosyo kong Acebuche Perfume ay may mga Rice Trading pa tayo at Acebuche Gold Exchange na binuksan ko nga nitong birthday ko sa ground floor ng Solanie Hotel sa Malate Manila” ayon sa kanya.
Ang “Kiting” ng kanyang bayan sa Samar ay ang respetado at tinitingala at tinutularang Mark Tan na mula sa karaniwang entreprenyur ay isa ng bigtime na negosyante.
Ang kwento ni Direk ay kakaiba pero maraming kagaya niya sa panahon natin ngayon, mga taong “mula sa wala hanggang sa tagumpay”///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net.