
Dahilan sa malaking importansya ng ating mga pinahahalagahan sa buhay lalo ngayong nananalasa ang pandemya, kinakailangang may mahigpit tayong kapitan na siya nating pananaligan.
Bunsod nito ay pinangunahan ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (National Commission for Culture and the Arts) ang patimpalak para sa mga maikling pelikula na maglalarawan ng mga human values na maaring maituro sa mga kabataan.
Ang “Sine Halaga”.ay magpapakita ng mga husay at henyo n gating mga kabataang director sa pinilakang tabing na nagmula sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ang 12 napili ay ipapalabas ngayon mmayang 6:00 pm sa pamamagitan ng facebook live at streamed sa “vimeo on-demand”.
Ang mga pelikulang kabilang ay ang mga sumusunod: 1. 13 Feet ni Carlo Obispo, 2. Bakit Ako Sinusundan Ng Buwan ni Richard Soriano Legaspi, 3. Black Rainbow ni Zig Dulay, 4. Dandansoy ni Arden Rod Condez, 5. Hadlok ni Ralston Jover,
6. Looking for Rafflesias and other fleeting things ni James Allen Fajardo, 7. Lorna ni Noel Escondo, 8. Masalimuut ya Tiyagew Ed dayat ni Jan Carlo Natividad, 9. Minas family History ni Christopher Gozum, 10. Sa Balay ni Papang ni Kurt Soberano, 11. Salog Ning Diklom ni Jordan Dela Cruz at 12. Ugbos ka bayabas ni Manie Magbanua Jr.
Kabilang sa mga nakibahagi sa ginawang virtual presscon kahapon ay sina Festival Director Elvert Banarez, NCCA Deputy Executive Director Marichu Tellano, NCCA Executive Director Al Ryan Alejandre at ang isa sa mga nagsilbing hurado na isa ring kritiko ng pelikula at Educator na si Tito Valiente.
//Michael Balaguer, +639333816694, konekted@diaryongtagalog.net and michaelbalaguer@yahoo.co.uk