Celebrity hour every Sat sa Makati, 62th FAMAS Award ginanap at PNoy tuluyang ma i-impeach

eloy at danny

 

 

 

 

 

Showbiz magazine turn to showbiz forum ang naganap na launching ng Celebrity hour hosted by Famas President Eloy Padua and internationally well-known psychic Danny Atienza. Sikat o sisikat pa lamang na artista ay maaring makidalo at magkakaroon ng big exposure.

Maging updated sa buhay ng mga celebrity idol. Tuwing sabado ganap na ika 9:00 ng umaga hanggang ika 11:00 ng umaga isang hotel sa Makati. Sa unang leg nito bumida sina: Lance Raymundo ang kontrobisyal na magpa plastic reconstructive surgery makaraan ang naganap na aksidente sa gym na kinasira ng kanyang anyo na nanumbalik sa dati dahil sa agham. Nagpakitang gilas din si Tyrone na upcoming singer at modelo ng isang Mega C Sodium Ascorbate Vitamins.

Dumalo rin sina Francia C. Conrado- MTRCB Board Member, Emy Abuan -Columnist ng Phil. Star, Direk Nardz Belen, Robert Rivera-OIC President ng RPN 9, Direk  Bobby Benitez sa upcoming movie na Edukasyon. Halaw sa kuwento ng titser na umikot na lamang ang kanyang buhay sa pagtuturo na tie-up din ang Kagawaran ng Edukasyon sa nasabing pelikula. Live telecast sa GNN tuwing Sabado ang Celebrity hour.

Ito nagbibigay ng pagkakataon sa baguhan sa showbiz industry nang malaking media mileage at pagkakataon ipamalas ang talento. Nakakamangha rin na sa pagsasabi mo niyong birthday ay magkaka ideya ka na sa buhay na iyong kakaharapin sa pagbabahagi ni Danny Atienza. (jane balaguer)

celebrity hour

Hindi matatawaran sa husay sa pag arte ang best actor na si ER Ejercito kahit pa ito ay napaalis sa puwesto sa pagka gobernador sa Laguna. Ang Filipino Academy of Movie Arts and Science (FAMAS) ay ginaganap taon taon at kamakailan sa Pasay.

Ito ang mga nagwagisa nakaraang 62nd Annual FAMAS Awards: Best Picture: On The Job, Best Actor: ER Ejercito, “Boy Golden: Shoot To Kill”, Best Actress: KC Concepcion, “Boy Golden: Shoot To Kill” Best Director: Erik Matti, “On The Job”, Best Supporting Actor: Pen Medina, “10000 Hours”, Best Supporting Actress: Bela Padilla, “10000 Hours”, Best Child Performer: Adrian Cabido, “Lauriana”,

Best Screenplay: Michiko Yamamoto and Erik Matti, “On The Job”, Best Cinematography: “Boy Golden: Shoot To Kill”, Best Editing: “On The Job”, Best Story: “On The Job” Best Sound: “On The Job”, Best Musical Score: “Boy Golden: Shoot To Kill”, Best Visual Effects: “Pagpag”, Best Theme Song: Abra for “Midas”, “Boy Golden: Shoot To Kill”, Best Special Effects: “Kung Fu Divas” (jane balaguer at rodel cadion)

famas best actor at best actress one

 

 

 

 

Tuluyang maalis sa puwesto ang kasalukyang Pangulong Benigno Simeon Aquino III ayon sa predisyon ng Nostradamus ng modern era na si Danny Atienza kaharap ang www.diaryongtagalog.net sa kanyang rebelasyon kamakailan.

“Mabigat ang natatanaw na kilos ng kasalukuyan administrasyon na posibleng magresulta sa giyera o martial law. Susunod na rin si Pnoy sa mga nakalipas na administrasyon na makukulong hindi lamang matiyak kung sa selda o sa mental hospital” tinuran ni Atienza. Samantalang pag aaklas dahil sa patindi ng patinding kahirapan at gutom ng mga mahihirap na patuloy na naghihirap.

Mas marami ang walang trabaho kaya kahit may CCTV walang habas sa pagnanakaw mapunuan lang ang kumakalam na sikmura. Kaugnay nito,makakaabot pa kaya ang Pangulo sa kanyang State of the Nation address (SONA) nab ago pa pala makulang ang tatlong senador na si Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile pagbabahagi pa ni Atienza.Ang pinakamahalaga ay magdasal ng magkaroon ng pagbabago na walang gulo ang ating lipunan. (jane balaguer)