
FORGING FUTURES, MANILA ART 2022
Kasabay ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples month ngayong oktubre, kasama ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) ipinamalas ng mga alagad ng sining ang kanilang husay at galing para ipakilala ang tradisyon at kagawian ng mga katutubo sa pamamagitan ng kamay ng sining.
Bukod sa makikitang mga sining biswal at pagpipinta ay makikita ring ang ibat ibang iskultura mula sa kristal, bakal at kahoy, mga bagay na kanilang inukitan ng mga larawan na makikita sa mga ginagawa ng mga katutubo sa kanilang pang araw araw.
Sa panayam ng DZMJ online sa tatlong alagad ng sining na makikita sa itaas kanilang ipinaliwanag ng hiwa-hiwalay ang kanilang mga paliwanang ukol sa indigenous touch sa lahat ng mga sining.
“pagpapanday ng hinaharap” dahil makikita rin sa Manila Art ngayon ang mga makabagong paraan ng sining gaya ng “augmented reality” na tunay nga na napapanahon dahil sa antas ng agham at teknolohiya bunga ay inobasyong mag aangat sa sining Filipino.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net