GANAP TV DIGITAL AWARDS INAABANGAN NG BUONG MUNDO

Inaabangan na ng mga International Celebrities ang Ganap TV Digital Awards. Tampok ang mga International Celebrities mula sa Netherlands, London, Turkey, Canada, India at Iba pang mga bansa. Paparangalan ng Ganap TV Digital Awards ang mga International Celebrities dahil sa kanilang partisipasyon sa mga episodes kung saan sila ay nakibahagi sa programa para magbigay ng kulay, inspirasyon at pag asa sa kalagitnaan ng pandemya. 

Mag-iisang taon na  simula ng magka pandemya dahilan sa Covid19. Dito rin nagsimula ang programang Ganap TV Online kung Saan mapapanood ang program sa Facebook at YouTube Channel. Ang Global Fashion Designer na si John Guarnes at International Creative at Technical Director na si Bench Bello ang bumuo ng konsepto at ang mga Hosts /Producers ng nasabing programa.

Sa panahon ng lockdown March 2020 ay naisipan ng dalawa na gumawa ng online program at imbitahan ang kanilang mga celebrity friends sa buong mundo na naapektuhan ng pandemya.

Ninanais ng programa na sa panahon ng pandemya ay magkaroon ng pagkakataon na maka encourage at maka inspire sa lahat ng viewers na huwag mawalan ng pag asa at lakasan ang loob na harapin ang ganitong sitwasyon. Alam natin na marami ang na depress sa panahon na ito.

At dahil na rin sa mga local at international guests celebrities ng programa na nagbigay aliw at inspirasyon kaya nagpatuloy ito hanggang sa kasalukuyan. Nang nagsimula ang programa ay marami na rin nagsulputan na Digital Program pero nawala din ngunit ang Ganap TV ay patuloy pa rin ito sa kanilang mga programa tulad ng THE DIGITAL TANDEM of John and Bench, DEAR MAMOU V ni Ms. Virgie MONTON isang Businesswoman  at abangan din ang bagong programa na THE PINK ROSE SHOW ni Ms. Rose Tolentino Santiago Licup isang Philanthropist, at Socialite.

Ilan sa mga respetadong tao ang naging parte ng hurado, kabilang sina Atty. Maggie Abraham-Garduque (Celebrity Lawyer), Direk Larry Asistin (TSG Franchisor/Events Director), Benz Jandoc (CEO-BrandAsia Channel and BrandVenures), Sandra Kaczkurkin (CEO-Founder-Editor at Large WFMN) and Matte Laurel – Lifestyle Writer ng Canadian  Inquirer and COO for Ron Zalko Fitness and Yoga Club.

Kamakailan lang ay ginawaran ng award ang dalawang hosts na si John at Bench na Best Hosts at Best Technical Director ng FLAME INTERNATIONAL sa London. Ipapalalabas ang Live premiere ng Digital Awards sa March 20, 2021- 8 PM sa mga Social Media ng Ganap TV Online. Mag subscribe sa kanilang YouTube Channel at mag like sa Facebook Page Ganap TV online. 

Youtube Channel: https://www.youtube.com/c/ganaptvonline

Fan page: https://www.facebook.com/GanapTVOnline

Instagram: https://www.instagram.com/ganaptvonline/

Kabilang sa mga International at local Celebrities na paparangalan ay sina Mr. Mon Confiado International Filipino Multi Awarded  Filipino Actor, Mr. Börje Lundberg – International  Actor,  Ms. Miiz Gracie – International Beauty Queen, Model, Singer,and songwriter, Mr. Burhan Sirma – International Actor, Model and Animal Advocate, Mr. Adrie Van de Nieuwenhof – International Artist/Model and Founder of Mr. And Ms. Art 2021,  Ms. Rachaana Jain- International Singer, Songwriter and Founder of Wow pageant, Mr. Limuel Hayag Vilela – International Model/Businessman,  Ms. Yana Flame – Founder and Organizer of Flame International Fashion and Arts Festival, Ms. Marisa Di Muro- International Soprano Singer at marami pang iba.

Ang mga Hosts ng Ganap Digital Awards at sina Mr. Nolo Lopez-International Recording Artist, Ms. Mariel Prion- Model and beauty Queen – Ms Teen GLAM International, Mrs. Charo Calalo Laude- Mrs. Universe-Philippines 2019 at si Mr. Lance Raymundo – Viva Artist Singer/Actor/Model/Brand Influencer. 

Nagpapasalamat ang Ganap TV Digital Awards sa mga sponsors tulad ng Goldenpine Inc. at MetaOrient Medical Equipment & Supplies Trading – CEO Ms.Elise Sonza, Casa Medica, Inc., Lexerl Trading, Supreme Simon’s Place Resto and Bar, Lens of Life Production, Franz Baker, VM Designs and Furnitures, PRIMO Modelo Philippines and Villa Susana Events Place. Mula sa detalye buhat sa GANAP TV.////Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net