Kultura Sa Pananamit ng Cordillera Ipinakita sa Pelikulang AGATHA

Ipinakita sa Pelikulang AGATHA a Cordilleran Woman ang makulay at tradisyunal na pananamit ng mga taga Cordillera. Kabilang ang www.diaryongtagalog.net at www.dzmjonline.net sa ginanap na block screening nang nasabing pelikula nitong Ika lima ng Oktubre sa SM City Baguio kung saan naroon ang mga cast at crew ng nasabing panooring kapupulutan ng aral sa buhay lalo ng mga kabataan, kapansin pansin din ang reksyon ng mga manonood na buhat sa ibat ibang sektor lalo ng mga katutubo dahil kasabay ito sa pagdriwang ng Indigenous Peoples Month.

AGATHA, Official Entry to the Urduja Film Festival 2018 and Inding INDIE Film Festival

Official Entry rin ito kapwa sa Urduja Film Festival 2018 at sa Inding INDIE Film Festival, ayon sa Executive Producer nitong si Ms. Angelle Judiel Vega  Nieva na isa ring bituwin sa pinilakang tabing, magkakaroon umano ng full length version ang pelikula upang lalong maipakita nito ang yaman at ganda ng kultura sa Cordillera.///Abdul Malik Bin Ismail, abdulmalikbinismail6875@gmail.com, 09333816694