Opera ukol sa buhay katipunero ni Gat Andres isasadula, “SAN ANDRES B.”: BONIFACIO, SANTO O SUPREMO

san andres b press launch one

Maynila, Pilipinas- ISANG pulong balitaan ang isinagawa kaugnay ng paglulunsad ng isang makabagong opera ukol sa buhay katipunero ng Pambansang bayani na si Gat Andres Bonifacio kaugnay ng nalalapit niyang Ika-150 taong pagkasilang.

Ang nasabing opera ay isasadula ng Tanghalang Pilipino upang anila ay mabigyan ng bagong pagkakakilala sa pambansang bayani. Aminado ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio Almario na limitado ang kaalaman ng madla sa buhay at mga gawa ni Gat Andres ebidensya ng hitsura ng marami niyang istatwa na nagkalat sa buong bansa.

 

 

Ayon kay Almario, ni minsan ay di humawak ng itak si Boni bagkus ay may dalawang bagong rebolber ito na ipinagkaloob ni Dr. Pio Valenzuela, hindi rin umano kahit kailan ay nagsuot ng barong si Gat Andres o ng kamisachino at pulang neckerchief o pantaloon na hanggang tuhod bagkus ay halos katulad ni Dr. Rizal ito kung manamit.

Gaganap na mga aktor ang mga mang awit ng Tanghalang Pilipino nina Tata nanding Josef at sa direksyon ng batikang Director na si Floy Quintos habang si National Artist Virgilio Almario ang lumikha ng libretto nito.

 

 

Lubhang napapanahon ang pagsasadula ng nasabing opera lalo ngayong kailangan ng inspirasyon ng ating mga makabagong bayani lalo at hinaharap ng marami nating kababayan sa Visayas ang pagbangon mula sa delubyong iniwan ni Yolanda.

Maraming maaring mapulot na mahalagang aral ang buhay katipunero ni Gat Andres at maari ring maihalintulad kay Kristo ang kanyang kabayanihan, kaya tuloy di mai alis sa isipian kung bakit “San Andres”, dahil ang isang santo o banal ay inuuna ang kapwa bago ang sarili.

 

 

Sa buhay ni Gat Andres, inuna niya ang bayan kaysa sa kanyang sarili hanggang sa huling sandali ng kanyang kamatayan. Ngayon na hinaharap ng maraming makabagong bayani ang pagtulong sa kapwa, may mga insidente nga na namatay habang tumutupad sa tungkulin sa kasagsagan ng bagyo.

Isa sa mga kuwento ay ang tungkol sa weather personnel ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na namatay habang inaagapan na maihatid ang data ukol sa bagyo, inabot ng storm surge ang kanilang tanggapan sa Tacloban City.

Mga makabagong bayani, mga makabagong San Andres B na dapat tularan, di naman kailangang masawi o mamatay dahil marami namang paraan upang maipakita ang kabayanihan, maraming oportunidad ngayon na kailangan ng kapwa ang tulong ng bawat isa.

Ang nasabing Opera ay nilapatan ng musika at komposisyon ni G. Josefino Chino Toledo. Mapapanood ang San Andres B. Opera sa Tanghalang Aurelio V. Tolentino  ng Cultural Center of the Philippines at tatakbo ito ng November 29 (biyernes) hanggang December 8 2013. ang mga oras ay 7pm sa November 29, 8pm sa December 6, November 30 (sabado) at December 7 3pm at 8pm at sa December 1 and 8 ay 3pm. Ang mga tickets ay nagkakahalaga ng 800 pesos at 400 pesos sa estudyante, may 20% diskwento naman sa mga PWDs Senior Citizens atbp.(michael balaguer)

san andres b press launch three