CROSSFIRE STARS 2014 Philippine National Finals Held in Quezon City; Press Preview sa Pelikulang “Bacao” ..a film of contrast at Madam Auring, Sikat pa rin!

crossfire two

SCORES of RPG fans and gamers flock to SM North EDSA CYBERZONE to participate in the highly anticipated CROSSFIRE STARS 2014 Philippine National Finals brought by the people from Game Club Philippines in cooperation with Monster Energy Drink.

The event is the culmination of a series of competitions involving e-Sport online role playing games are now widely accepted and considered as regular sporting competitions here in the Philippines and elsewhere in the world.

The country’s pride went down to eight teams who will vie for the CROSSFIRE STARS 2014 World Grand Finals that will be held in Seoul South Korea. The 8 teams in the CROSSFIRE STARS season 2 champios pacific, wara and the 7 regional champions were: Loko from Davao, iFivexAcclaim from Iloilo, ACGaming from Cavite, INXAI from Cebu, Macta Infirma from Baguio, Expendables from Quezon City and MSlevoGT from Pasig. Each will fight for the title Crossfire Stars 2014 National Finals Champions will earn them 5,000 US$ prize for the Champion and 3,000 US$ and 2,000 US$ for the second and third place respectively.

The team who will become the champions will fly to Korea come December 5 2014 were they will represent the country and has a chance to win 50,000 US$. An interview with the Crossfire game master snake eyes Rene Parada, also the Product Manager of Crossfire with the publisher of www.diaryongtagalog.net states the details on how the eight finalists were determined and how the selection stared. Photos from the games and videos associated with the competitions such as updates and status of competing teams where shot while the competition is in progress.///Mary Jane O. Balaguer.

DSC03538

Masasabing hindi pa nga humuhupa ang kasikatan nitong si Mrs. Aurea Sabalboro-Erfelo, isang bantog na Psychic o Manghuhula at kilala sa Showbiz Industry bilang si Madam Auring.

Namataan ng www.diaryongtagalog.net ang showbiz personality sa kanyang negosyo na matatagpuan sa Victory Mall Lungsod ng Caloocan.

Kinumusta namin si Madam at marami kaming natutunan sa kanya, ang iba ay kanyang naipaliwanag sa pamamagitan ng video na kuha namin mula sa kanyang lugar ng pagnenegosyo, kaya pala nawala si Madam sa limelight dahil nag concentrate na lamang siya sa kanyang negosyong massage at panghuhula.

 

 

74 na ang ating lola ngunit parang di pa rin siya ganoon katanda dahil bibo pa rin siya at makulit na parang kabataan. Nais pa rin niyang magbalik showbiz kung maaari dahil enjoy siya sa kanyang showbiz career.

Sa bahagi naman ng kanyang panghuhula, kilalang napakarami nang nahulaan ni Madam, isa na rito ang batikang Boksingerong African-American na si Caseius Clay na lumaon ay nakilala bilang si Muhamad Ali.

 

Wika ni Madam, hinulaan niya ang boksingero na magwawagi nuong nasa Amerika pa ito at nang lumaban ng sa bansa ay nanalo ito. Isa pa ay nahulaan rin niya ang mga kinahinatnan ng mga dating Pangulong sina President Ramos, Estrada at Arroyo.

Malakas ang katawan at alive and kicking pa itong si Madam ayon sa kanya liban lang sa iniinda niyang osteoporosis kaya may kaagapay na siyang tungkod paminsan minsan.///jane balaguer

 

bacao Press Preview sa Pelikulang “Bacao” ..a film of contrast Maganda naman ang reception sa pelikulang “Bacao” na ginampanan ni Michelle Madrigal at buhat sa panulat at direksyon ng primyadong action director Edgardo “Boy” Vinarao.

Malulula ka sa  linaw at kalidad ng High Definition footage at photographic angles ng mga kamera at pagkagagaling ng kuha ng mga propesyunal na manlilikha ng pelikula na nasa likod nito. Sa kabila nito ay marami akong nakitang kakulangan sa elemento ng isang mahusay na pelikula, hindi ko sinasabing pangit o palpak ang pelikulang ito, pero sa ganang akin lang, batay na rin sa pamantayan ng National Commission for Culture and the Arts, maski I- klasipika bilang independent film ay makukulangan pa rin.

Maraming sangkap ang tila nawawala sa larawan, una ay ang pag establish ng lugar kung nasaan ang kinukunang eksena, lumalabas na ikinukuwento lamang ng bidang babae na ginagampanan ng karakter ni Michelle Madrigal bilang Mayet ang isang babaeng buhat sa tribo ng Yogad ng Isabela.

Hindi rin malaman ang kaugnayan ng titulo ng pelikula na Bacao, salitang ilokano o mais sa tagalog sa ibig ipahatid na mensahe ng lumikha ng pelikula sa halip ay puro iyutan, yarian, tirahan at banatan ang namunini sa maraming bahagi ng pelikula.

Hindi na nga ipinakita ang pagiging indigenous people ng mga karakter batay sa pamantayan ng NCCA at kasaysayan ng bansa kundi tila ipinakikita lang na parang karaniwang Pilipino ang mga ito o mga tao sa kapatagan.

Walang ipinakitang naglalarawan ng kanilang katutubong kultura sa halip ay kulturang hiram sa kastila lalo ang relihiyon ang nakita sa maraming bahagi ng pelikula. Hindi rin tanggap sa nakararaming bilang ng mga Filipino ang ipinakitang mga eksena kung saan nagpapalipat lipat at nagsasalisihan sa pagyayarian ang mga karakter na ayon sa ilang nakapanayam ay immoral at malaswa, hindi rin bahagi ng kulturang Filipino ang torototan at salisihan.

Hindi ko sinasabing pornograpiya ang pelikula, oo tunay na masining ang pagkakagawa nito sa kabuuang aspeto ngunit ang mga eksenang ipinakikitang tila napakali libog ng mga karakter ay masasabing foul para sa mga reviewers ng movie and television review classification board at tiyak na cha chapchapin ang mga eksenang nagpapakita ng suso ng bidang babae na sa maraming bahagi ng mga naunang eksena ng yarian at banatan at nakikita at bumubuyangyang.

Sabi nga ay dapat na hindi ipinakikita ang sobrang sekswal at bayolenteng mga eksena, ngayon ay pati ang paraan ng pagpatay sa mga hayop gaya ng manok na tinaga at nalaglag ang ulo at baboy na sinaksak sa leeg at nangisay ay paglabag sa animal welfare’s act.. sabi nga ng mga pelikulang banyaga “no harm was inflicted on animals while filming this movie” pero sa pelikulang ang pamagat ay “mais” kinawawa ang manok at baboy.

Dahil nga nagsimula na ang Dayaw Festival na nagsasama ang lahat ng grupo ng Indigenous People sa bansa, kapag napanood nila ang pelikulang ito tiyak na may masasabi silang negatibo. Wala tayong masabi sa mga gumanap kahit sablay ang research ng production gaya ng pag portray ni Leo Martinez bilang albularyo.

Hindi ganoon ang albularyo, ano kaya ang masasabi ng union ng mga albularyo at ispiritista sa pilipinas na nasa mount banahaw kapag napanood nila ang pelikulang ito? Epektibong-epektibo si Direk Leo, oo bilang bogus na albularyo na parang sitcom niya dati na ober da bakod ay huhulihin siya ng pulis sa dakong hulihan ng palabas.

Napakagaling rin na kontrabida itong si Alvin Anson na tila ginawang aso ang karakter ng kanyang buntisin na asawa “tuwad!” at ang pagiging bantay salakay niya nang makitang nahihilo ang karakter ni Michelle na tinulungan nga ngunit binalak namang banatan.

Kapansin pansin rin ang kakulangan sa wardrobe dahil makikita sa maraming eksena na halos di nagpapalit ng damit ang mga karakter lalo yaong mga eksena sa bukid. Hindi rin makatotohanan ang maraming eksena gaya ng pagyayakapan at bahagyang pagyayarian ng mga bida sa gitna ng maisan na alam ng mga sakada na tigmak ng mga kobra at ulupong kaya nga sila nagbobota at maong para iwas tuklaw.

Hindi naman nakakatakot ang pelikula at tila umikot lamang sa tatlong bahay ang mga eksena, kulang sa casting  at maliit lamang ang budget pero kalahok pala ito sa nalalapit na Horror Plus Filmfest ng Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival na sponsored ng Film Development Council of the Philippines.

Nakatakdang ipalabas ang Bacao sa buong bansa sa lahat ng SM theaters, Oct. 29, 2014 hanggang Nobyembre 4, 2014. Ang “Bacao” ay isang produksyon ng Oro se Siete productions, kabilang rin sina: Arnold Reyes ,Alvin Anson, Leo Martinez,  Marife Necesito, Menggie Cobarrubias at  Irma Adlawan sa mga pangunahing karakter na lubos naman  na magagaling gumanap ng kani kanilang mga karakter.

Associate Director si Andy Andico, Production Manager Romy Opulencia, Production Design Fritz Silorio, ang napakagandang soundtrack na likha ng Musical Director Mon Del Rosario, Line Producer Edwin Joaquin, Cinematography Jay Allan Ramirez, Screenplay Edgardo “Boy” Vinarao, Patrick John Valencia, Alexander Atrio Lopez, Associate Editor Tads Obach Acosta, Executive Producer Engr Jun Sevilla.

Bagaman parang kakatwa, hindi makatotohanan at imposible ay  maaring ang karakter ni Menggie Cobarrubias ang gist ng pelikula, ito ay ang pagsasabi niyang hindi kailangang magkaroon ng anak ang mag asawa dahil ang mahalaga ay nagmamahalan sila na kanyang ipinamalas nang mahuli niyang tinotorotot siya ng kanyang asawa at sa halip na saktan ito ay pinagdiskitahan na lamang niya ang pagsisibak ng kahoy.

In conclusion, the movie “Bacao” in my opinion is indeed contrasting in many ways, it has liberal ideals in a conservative society, progressive backwardness of an indigenous community who has embraced the mainstream way of life, yet it retains the basic elements infused within Filipino culture like family, fidelity and faith.///jane balaguer