Proud si BBM kay FM isang eksens sa pelikulang Maid in Malacanang

IRM 2022 scene at MAID IN MALACANANG very emotional

ISANG napakagandang pelikula ang napanood namin kamakailan kung saan dumalo na kami sa premier night nito ay muli pa naming pinanood ang pelikula sa sinehan. ang pelikulang tinutukoy ko ay ang pinag uusapang Maid in Malacanang kung saan ang kwento ay umikot sa huling 72 oras ng pamilyang Marcos sa Malacanang nuong 1986.

dinaluhan ng mga sikat na artista ang pulitiko ang premier night na ginanap nitong July 29 2022 sa the Block SM north EDSA, kabilang sa mga dumalo ay ang mayor ng san uan na si Francis Zamora, Senador Imee Marcos at ang mga prodyuser ng Viva Films pati ang direktor ng pelikula na si Darryl Yap.

Sa panonood ko ng nasabing pelikula aminado akong naawa ako sa karakter ni Apo Macoy o si dating Presidente Ferdinand E. Marcos Sr. na binigyang buhay ng aktor na si Cesar Montano at ang gumanap na Pangulong Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos Jr. ay ang kanya mismong anak sa tunay na buhay na si Diego Loyzaga.

masasabi kong nakaka antig ang eksena ng dalawa sa study room kung saan pinagalitan ng nakatatandang Marcos ang nakababatang Marcos at ipinahayag ng anak ang saloobin niya sa kanyang ama at sinabi niyang “proud siya sa kanyang ama ngunit tila hindi ito proud sa kanya bilang anak” ang eksenang ito ay tila kumurot sa puso ko dahil ako ay isang ama at ayaw kong balang araw ay sabihin ito sa akin ng aking anak.

dinaluhan ng napakaraming artista at diplomat ang premier night at hanggang ngayon ay ipinapalabas pa ito at kumukita ng malaki sa kabila ng paninira at panlilibak ng mga kalaban sa pulitika ng mga Marcoses.

sa huli masasabing isang napakagaling na story teller ng direktor nitong si Ginoong Darryl Yap, napukaw niya ang damdamin ng mga bagong henerasyon ngayon ukol sa mga kaganapan sa huling 72 oras ng mga Marcoses sa malacanang, naipakita rin niya ang tunay na mga ugali ng unang pamilya kapareho ng mga kwento ng aming mga magulang sa amin bilang ikalawang henerasyon ng mga loyalist.

tunay na kahanga hanga at isang pelikulang uulit ulitin mong panoorin, hindi dahil sa ang mga pangyayari dito ay tama o pinaniniwalaan mong tama ito bagkus isa itong pelikulang pag iisipan mo at masasabi mong kasaysayan na lamang ang hahatol kung tama sila o mali basta ang pelikula ay maganda at isang obra ng sining.///michael balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk