
National Arts Month 2022 within the Pandemic
Buhay na buhay ang sining sa bansa, lumalawak at lumalago sa kabila ng pananalasa ng pandemya nitong nakaraang dalawang taon.
ngayong taon muling ipinagdiriwang ang pambansang buwan ng sining (National Arts Month) sa pangunguna ng pambansang komisyon para sa kultura at mga sining (National Commission for Culture and the Arts).
sa mga taon na nalugmok ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay dahil na rin sa kabi-kabilang lock down at ECQ, sa halip na magmukmok sinasabing mas naging malikhain pa ang tao.
sumibol ang samut-saring mga sining na nabuhay sa layuning harapin ang bagong normal at ipagpatuloy ang buhay hindi sagabal ang pandemya.
malaki ang naging papel ng social media at online platforms sa pagpapasigla ng sining sa bansa, nagamit ito bilang daan upang mapagkakitaan at magpasikat ang kanilang mga gawa.
nitong nakaraan bertwal na pulong balitaan ipinamalas sa mga mamamahayag ang mga aktibidad ng komisyon na makikita sa kanilang opisyal na Facebook pages.
kabilang sa mga dumalo ay mga mamamahayag na nagkokober ng sining, si NCCA Chairman Nick Lizaso, at NCCA staff ng public affairs sa pangunguna ni Mr. Rene Napenas at dating NCCA Chairman Felipe De Leon Jr.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net.
