Stage Play na “Melanie” ng Tanghalang Pilipino nagbigay ng karunungan ukol sa AIDS


PROYEKTONG bunga ng pakikipagtulungan ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) at ng Tanghalang Pilipino ay ang stage play na naglalayong mabigyan ng karunungan ang madla ukol sa Human Immunodeficiency Virus at Acquired Immuned Deficiency Syndrome (HIV/AIDS)  lalo sa panahon ngayon na pabata ng pabata ang mga nagkakaroon ng karamdamang ito.

melanie the play two

Ang forum theater ay ginanap sa Philippine Sports Commission kung saan di lang binigyang kaligayahan sa katatawa ang mga nagsidalo at nanood buhat sa ibat-ibang stakeholders na may kinalaman sa edukasyon ukol sa HIV/AIDS gaya ng Local Government Units at mga ospital sa ilalim ng Department Of Health.

melanie the play one

Kabilang sa bahagi ng aktibidad bukod sa forum theater ay HIV 101 upang mabawasan ang stigma ukol sa nasabing karamdaman na may layuning makabuo ang komunidad ng kani kanilang kaparaanan upang mabuksan ang kaisipan ng mga mamamayan ukol sa nasabing sakit at tuloy mabawasan ang pagtaas ng bilang nang mga nagkakaroon nito.

Ipinakikita rin ang kasalukuyang kalagayan ng mga nagkakaroon ng nasabing karamdaman sa pamamagitan ng mga umaarteng actor at ang kasagutan ng lipunan sa ilang sector na malimit na may ganitong karamdaman at kung ano ang maaring magawang tulong ng komunidad, pamilya at mga kaibigan.

melanie the play four

Ang play na Melanie, sa umpisa ay isang lamay na nagging isang party kung saan ang pinaglalamayang baklang parlorista ay binawian ng buhay dahil sa taglay niyang karamdaman na AIDS sa kabila ng pagiging bukas nito sa kanyang karamdaman sa harap ng kaniyang mga kaibigan, nagging kontrobersyal pa rin ang kanyang kamatayan.

Ang Playwright ng Melanie ay si Layeta Bucoy sa Direksyon ni Tuxqs Rutaquio at ng Artistic Director ng Tanghalang Pilipino na si Nanding Josef.

Samantala, kaalinsabay ng pagdiriwang ng Ika 150 taong kaarawan ng bayaning si Gat Andres Bonifacio ay isang opera ang gaganapin sa November 29,30 December 1 at 6 2013 sa Cultural Center of the Philippines na may titulong San Andres B., ito ay sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) kung saan ang National Artist for Literature na si Ginoong Virgilio Almario ang sumulat ng Libretto sa direksyon ni Floy Quintos, ang nasabing modernong opera ay pangungunahan ng mga magagaling na artista sa entablado. (mary jane balaguer)

melanie