P21.9- Milyong Pisong mga Makina sa Pagsasaka, Inilaan ng DAR sa mga Magsasaka sa Central Mindanao; Retrofitted compact Rice mill inilunsad ng MIRDC, PHILMECH AT PCAARRD at 14th Sesyon ng RDC 3 tutok sa impra, kuryente, turismo at katutubo

May kabuuang P21.9- milyong pisong dalawamput-apat na mga makina sa pagsasaka ang inilaan ng Department of Agrarian Reform o DAR para sa mga organisasyon ng mga magsasaka sa Central Mindanao.

Ayon kay DAR Regional Director Nasser Musali, kabilang sa mga ipinamahagi ay mga traktora, makina sa pagtatalop ng mais, paggigiik at pang-araro.  Sinabi pa ni Director Musali na ang mga makinang ipinamahagi ay magagamit sa produksiyon ng mais at palay ng mga kooperatiba ng mga magsasaka doon.

Ayon pa kay Director Musali, mas mura at mabilis na umano ang pagtatanim ng naturang mga magsasaka dahil sa mga makinang ipinamahagi.

Ang naturang mga kagamitan ay mula sa ARCCESS o Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services project ng DAR na layong matulungan at palakasin ang mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations o ARBOs sa buong bansa.///DAR story

MIRDC PHILMECH

Ginawa ang paglulunsad ng Retrofitted Compact Rice Mill para sa Brown Rice Production nitong Ika 20 ng Agosto sa PHILMECH Training Center, CLSU compound, Science City of Munoz sa Nueva Ecija.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Engr Rex Bingabing ang Director ng PHILMECH,  ASEC Robert O Dizon ng OIC ng MIRDC at Dr. Rodolfo Ilao bilang representante ni Dr. Reynaldo Ebora ng PCAARRD na kapwa nagbigay ng kanilang mga pambungad na pananalita at mensahe.
ipinakita ng PHILMECH, MIRDC at PCAARRD ang Project Presentation tungkol sa Retrofitted Compact Rice Mill for Brown rice Production ni Engr Nico Deus Villafranca, ang project leader na taga MIRDC-DOST.

Tunay na malaki ang ginagampanan ng mekanisasyon ng sector agrikultura sa pag unlad ng bansa at katiyakan sa pagkain, sa pagkakataong ito ay malimit magkatulungan ang mga ahensya sa ilalim ng kagawaran ng agham at agrikultura gaya ng Philippine Center for Postharvest and Mechanization o PHILMECH ng Department of Agriculture (DA) at Metals Industry Research and Development Center ng Department of Science and Technology (MIRDC-DOST) pati ang funding agency ng kagawaran ng agham at teknologiya na Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development(PCAARRD) ang agricultural and environmental arm ng kagawaran ng agham na nagsisilbing link sa mga kagawaran ng Agrikultura, agham at kalikasan.

Sa nakaraang pulong balitaan na ginanap rin sa PHILMECH naitanong ng www.diaryongtagalog.net kung ano ang pagkakaiba ng Retrofitted compact rice mill sa mga malalaking rice mill at kung kaya ba ng mga malalaking mills na mag prodyus ng brown rice kaysa sa retrofitted compact rice mills.

Sagot ng MIRDC ay karaniwan na ang ginagamit na compact rice mills at itong gawa nila ay retrofitted para sa brown rice at tama na may mga kakayahan ngang mag prodyus ng brown rice ang mga malalaking rice millers pero kakaunti ang gumagawa nito.

Kasama rin sa tanong ng www.diaryongtagalog.net ay ang pagkakaiba ng brown rice sa black rice, red rice, blue at pink o violet rice at ang sabi ng PHILMECH ay pare pareho lang sila maikakategorya bilang bigas at ang tunay na tawag sa ay hindi dapat brown rice kundi unpolished rice.

Tanong naman ng DZRJ 810 khz AM broadcaster dahil halatang malakas kumunsumo ng kuryente ang Retrofitted Compact Rice Mill, kung paano makapag a avail nito ang mga farmer cooperative sa mga lugar sa bansa na walang suplay ng kuryente, maari daw bang gamitan ng mini hydro, micro hydro, diesel o gasoline powered generator, solar at wind power at sabi ng MIRDC sa kasalukuyan ay may mga trials silang maaring gamitan ng diesel generator at ang iba pang sources ay kanilang pag aaralan sa tamang panahon.

Tinanong naman ng isang farmer leader na nais makapag avail ng retrofitted compact rice mill ang PHILMECH at MIRDC kung kanila bang masisiguro sa mga farmer cooperative na ang magpa fabricate ng kukunin nilang teknolohiya ay tunay na may alam at di nakakuha lang ng bid dahil sa tulong ng mga pulitiko at kumita lang wala nang pakialam kung gumana ang teknolohiya o hindi.

Sagot ng PHILMECH ay kanilang titiyaking ang mga magpa fabricate ng kanilang model ay tunay na may alam dahil bibigyan nila ito ng kaukulang mga akreditasyon at itataya nila ang pangalan ng kani-kanilang mga ahensya gaya ng sa MIRDC, PHILMECH, DOST at DA.

Nabatid ng www.diaryongtagaloig.net na tunay na may punto ang nagtanong na farmer cooperative member dahil modus operandi na ang mga malalakas sa pulitikong mayayaman na sumali sa mga auctions ng gobyerno para makakuha ng project at pagkakitaan ito kahit wala naman silang technical knowhow at endorsed lang ito ng mga pulitiko, ang nangyayari ay ina outsourced ang proyekto sa iba at naiiba ang disenyo kaya dispalinghado ang labas ng teknolohiya.

Kumita na ang bidder kaya wala nang bawian, ang lumalabas na talo ay ang stakeholder gaya ng faramer cooperative na naglabas ng kanilang pera upang maka avail ng nakita nila sa demo na maayos na teknolohiya.

Susog pa ng DZRJ 810 Khz AM kung may mga oversight committee raw ba ang mga ahensyang gaya ng PHILMECH dahil tiwala ang mga farmer cooperative sa teknolohiya na maayos sa demo ngunit pagdating sa kanila ay palpak.///Michael Balaguer

PHILMECH MIRDC

————————————————————————————————————————————

14th Session ng RDC3 sa Bulacan tumutok sa imprastruktura, halaga ng kuryente, turismo at pangangalaga sa mga katutubo;

Pinangunahan ni Bulacan Governor at Regional Development Council for Region 3 Chairman Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang ika 14th sesyon ng Regional Development Council ng Region 3 at kanilang ika siyam na full council meeting.

Ginanap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos City, dumalo sina Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. at anak nitong si Iba Mayor Rundy Ebdane, Pampanga Governor Lilia Pineda at Congressman Yeng Guiao, Sina Department of Environment and Natural Resources Region 3 Regional Director Milla at mga representante ng mga gobernador sa Nueva Ecija, Bataan at Aurora.

Unang pinag usapan ay ang mga resolusyon ukol sa agricultural competitiveness at ang North-south commuter railway project, mula Tutuban hanggang Malolos.

Kabilang rin sa mga pinag usapan ay ang mga panuntunan kung paano mapapababa ang halaga ng kuryente sa gitnang Luzon lalo at marami pa ring walang suplay ng kuryente lalo sa mga kabundukan at kapuluang bahagi ng rehiyon.

Bukod sa mga nabanggit na mga resolusyon ay tinalakay rin ng konseho ang ukol sa kampanya para patuloy na bisitahin ng turista ang rehiyon.

Pinag usapan rin ang tungkol sa pangangalaga sa mga Indigenous People at reactivation ng task force balik mc Arthur.

Sa ikalawang bahagi ng pagpupulong ay dumating ang panauhing pandangal na si Department of Budget and management Secretary Florencio Abad at si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.///Michael balaguer

RDCIII NEXT PHOTO