OFW Ninakawan sa Hidden Rock Farm and Resort; 17-year old student, A Certified Entrepreneur at AKYAT COTTAGE GANG update, suspek pinalaya ni piskal..


OFW NINAKAWAN SA HIDDEN ROCK FARM AND RESORT

 NILIMAS ang mga alahas at pera ng isang Overseas Filipino Worker na kauuwi lang sa bansa at nagbabakasyon kasama ang pamilya kamakailan sa isang resort sa Bgy. Tebag, Mangaldan, Pangasinan. Kinilala ni P/SInsp  Benny V. Centeno ang biktimang si Ednalyn M. Karino, nasa hustong gulang at isang Overseas Filipino Worker buhat sa Nagoya, Japan.

Samantalang kinilala rin ang suspek na si Jozaldie Junio y Donesa, nasa hustong gulang aat anak ng may ari ng Hidden Rock Farm and Resort na nirentahan ng pamilya ng biktima.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente nitong ika-30 ng Abril, 2017 dakong alas 3:30 ng hapon nang lumapag ang sinasakyang eroplano ng biktima na Cebu Pacific Flight 5035 sa Terminal 3 ng NAIA ay nagtungo ng Manaoag upang magsimba at dumiretso sa Hidden Rock farm and Resort kasama ang pamilyang sumundo sa kanya sa paliparan.

Dagdag pa ay pagdating sa nasabing resort ay agad umupa ng isang cottage na malapit sa ilog ang biktima at pamilya kung saan may dalawang kuwarto ngunit isa lang ang inupahan ng biktima, ang room no. 3, airconditioned at halagang 4,000 peos ang renta, matapos makapaligo sa gabing iyon ay nakatulog na ang biktima at mga kasamang bata dakong alas 10:00 ng gabi samantalang ang mga magulang nito at ibang mga kasama ay inabot ng 1:00 ng madaling araw sa pagsasaya at pag iinuman di alintanang madaling araw na

Nang magsitulog ang mga kaanak ng biktima kung saan dito niya natuklasang nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng Japanese Yen na nagkakahalaga sa pera natin na 450,000.00, at limang libong cash (5,000.00) kwintas, pulseras, sing sing at apat na iPhone, at passport na may mahahalaganga dokumento.

Agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima at mga kaanak nito upang I ulat ang nasabing insidente at agad rin namang nagtungo sa pinangyarihan ng krimen ang sampung miyembro ng PNP upang mag imbistiga.

Nabatid na ginalugad ng kapulisan ang paligid ng nasabing resort, kinausap ang tagapamahala at ipinatawag ang mga trabahador, isa isang tinanong at pina pila hanggang sa itinuro ng batang testigo na si Hany Cyrill M. Esternon ang anak ng may ari ng resort na siyang suspek.

 Pagdating sa himpilan ng pulisya ay tatlong beses na itinuro ang suspek sa haba ng itinagal ng imbestigasyon hanggang sampahan na ito ng kaso.

Payo ng kapulisan at biktima ay mag ingat sa mga gustong mag overnight sa HIDDEN ROCK FARM and RESORT at baka kayo ang muling mabiktima ng tinaguriang “Akyat Cottage Gang”.///michael balaguer with photos from Bernie “Kojack” Manansala.

 

 

 

 

 

 

 

 

San Pedro, LAGUNA-“ Never give up and just keep pushing for the benefit of the masses” says Luke Matthew De Leon;

Perfect Pastillas was a school project in the humble beginnings of this certified entrepreneur. De Leon, a 17-year old student from Enderun Colleges started it this first quarter of 2017 armed with a good heart in reaching out the less fortunate women through livelihood program.

As a backgrounder, the project originated when De Leon was still attending Saemaul Undong (New Village Movement) classes, A community development program introduced in South Korea in the 70’s in his school.

He though of an idea that would have women do some task at the same time earn. In fiesta or special occasion, Pastillas (a Filipino sweet delicacy inherited from the Spanish) milk based- dessert existed from yesterday til today.

In cooperation with Yeungnam University of South Korea and its representative Mr. Woong Yoo, Associate Project Manager and Enderun Colleges gave livelihood program for the less fortunate to augment for their financial needs.

The support of parents, Mr & Mrs Davis De Leon to their son, paved a way to positive individuals spreading the seeds of goodness. It changed the life of a single mother, Marianne Estrada, has of two children from Brgy. San Roque, San Pedro, Laguna who helped Luke experiment the perfect mix of ingredients that took two months in the making (November and December 2016).

Since the initial salvo last January, 2017 of perfect pastillas of a solo parent Marianne, produced 150 pieces a day while Luke is in charge of marketing the product. The Fast growing businesss and is suprisingly now they are producing 7,500 pieces Per day with the help of 15 women workers and Marianne as production head.

“Luke is a blessing to all of us, before we are unemployed, dependent on others, now we have something to look forward to each day, we can feed our children 3 times a day, I hope and pray that our success will continue and others will also benefit from SMU way” Marianne added

Luke’s professor, Ms. Marissa remembered how a second year student Luke approach her on how to execute his project. Then SMU way come in With other professors Ms. Pauline Calina and Ms. Alyssa Holganza, they inagurated Luke livelihood and seminar on SMU saving program last April 19, 2017 at San Pedro, Laguna. (Nez Aguilar)

 

 

 

 

 

 

 

 

AKYAT COTTAGE GANG update, suspek pinalaya ni piskal..

Lingayen, Pangasinan- dismayado ang mga kaanak nang OFW na nabiktima ng akyat cottage gang sa Hidden Rock Farms and Resort sa Mangaldan Pangasinan nitong May 1 dahil sa kabila ng na inquest na ng pulisya ang suspek na nasakote inflagrante directo, pinbalaya ito ng piskal kinabukasan.
Hindi raw matibay ang ebidensyang magtuturo sa suspek na siya talaga ang magnanakaw kahit pa mismong nakita ng testigong 5 taong gulang nabata dahil natapakan ito habang natutulog.
Pati ang Mangaldan Police ay nadismaya at na low morale dahil sa desisyong ito ng piskal sa kabila ng best efforts ng kapulisan na maipasok sa reglamentory period ang pagkakadakip sa salarin.
Sa panayam ng www.diaryongtagalog.net sa Provincial Legal officer ng Pangasinan kung saan idinulog ng biktima ang hinaing ay sinabi nitong nakapagtataka at sa Hidden Rock Farms and resort nag check in ang mga biktima na bantad na sa lalawigan na “bagsak” na ito o lugi at ang nagmamay ari nito ay “maraming kaso” na kinakaharap.
Sa kabila ng mga pagmamalaki at pananakot ng magulang ng suspek na may mahigpit na kapit ang mga ito sa Department of Justice at sa kapitolyo ng Pangasinan, nagpadala ng rin ng liham reklamo ang biktima sa tanggapan ni Governor Amado Espino III at Secretary Vitaliano Aguirre.
Ito ay upang ma inform ang kapitolyo na ginagamit ang kanilang pangalan bilang padrino ng mga bogus resort owners na gaya ng Hidden Rock ay makakasira sa tourism climate ng Pangasinan habanag pina I inhibit ng biktima ang humahawak na piskal sa kaso dahil bias ito sa parte ng suspek.
Dahil nasa korte na ang kaso, ang mga pangalan ay di na binanggit sa artikulong ito na follow up lamang sa naunang storya, sa tulong na rin ng Central Luzon Media Association ay naikalat na ang naganap na insidente sa mga pahayagan at radyo sa buong gitnang luzon upang magsilbing “babala” na huwag nang tangkilikin ang “Hidden Rock Farms and Resort” sa Mangaldan Pangasinan dahil ang anak ng may ari nito ay “magnanakaw” at ninakawan ang isang pamilya ng OFW galing Japan na nag swimming sa kanilang resort./// Michael Balaguer