WO-NUT branch sa SM Dasmarinas, binuksan na
Dasmarinas, Cavite- Binuksan na ang ika 12 branch ng WO-NUT o ang fusion ng waffle at donut na ginanap kamakailan sa ground floor ng SM Dasmarinas kasama ang dealer at owners nito.
Makikita ang ibat ibang varieties ng produktong buhat sa pagsasama ng mga elemento ng waffle at donuts tunay na kakaiba ngunit masarap at kagigiliwan ng mga taong di masyadong mahilig sa matatamis na pagkain.
Pawang mga fresh ingredients at imported pa ang sangkap ng WO-NUT na mula sa original concept ng kanilang owner na si Ms. Angelica A. Castillo, Executive Vice President. Nabatid na kauna unahan ang nasabing produkto sa bansa.
Nagsimulang itayo ang kanilang unang branch sa Robinsons Place Antipolo at simula nuon ay nagkaroon na ng iba-ibang branches sa ilang sangay ng nasabing mall hangang magtayo sila sa SM Fairview at ngayon nga ay sa SM Dasmarinas Cavite.
Ayon sa pamunuan ng WO-NUT kada linggo ay may bubuksan silang branch bahagi ng kanilang expansion program sa lauying lalong maipakalat sa mas malaking merkado ang kanilang produktong kapwa unique at masarap.
Sa ginawang pagbubukas sa lungsod na ito nagkaroon sila ng promo na buy one take one sa unang 50 customer. Ang WO-NUT ay open for dealership.///Michael Balaguer
Wo – Nut goes @ SM Dasmarinas
DASMARINAS, CAVITE – Waffle and Donut lovers in 1 sa Wonut ang kauna – unahang at orig na combinasyon ng waffle and donut sa bansa. Affordable price na tiyak patok sa masa.
Proud Filipino owner ang CCD Food and Consulting Corp. Dumaan sa masusing research and development na umabot sa humigit kumulang dalawang taon bago opisyal na ilungsad and Wo- Nut first and original waffle donut na open for dealership sa numero (02) 5345689. At sa onlayn聽www.wo-nut.com.
Isang OFW Civil Engineer mula sa South Korea si Ulysses Ceblano ang owner dealer Wo-nut Outlet sa SM Dasmarinas, Cavite.
Dalawang buwan mula ng magbukas sa SM Fairview ang wo-nut kung saan may franchise ng isang juice station sa Ginoong Ceblano ay naging skeptical ng una pero ng nakita niya ang sistema ng kumpanya at malakas ang sales ay hindi nag atubili mag avail bilang dealer.
” Hindi namin pinababayaan pati sa promotion ang amin mga dealer, at hands on kaming minomonitor ang mga dealer dahil itong wo-nut ay may adbokasiya para tumulong na maging healthy ang mamayang filipino sa pagkain ng wo-nut na healthy ingredient na mula sa fresh ingredient nito” ayon kay Angel Castillo, Vice President ng Wo- nut.
Ang kanilang corporate office ay sa Unit 503 B. Richmonde Plaza 21 San Miguel Ave., cor Lourdes St. Ortigas Center, Pasig City.(MJ Olvina- Balaguer)
SALI(N) NA! LÓPEZ-JAENA 2017 ng KWF
Inaanyayahan namin kayong lumahok sa Sali(n) Na!, ang taunang patimpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pagsasalin ng pinakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at/o pangkasaysayan.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Graciano Lopez-Jaena (Disyembre 18, 1856–2017), itatampok sa taóng ito ang Fray Botod at ang iba pang piling akda sa Discursos Y Articulos Varios na nakasulat sa wikang Español.
Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 19 Agosto 2017.
TUNTUNIN:
Bukás ang timpalak sa lahat, kabilang ang mga dayuhan na marunong mag-Filipino maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang mga kaanak. Ang pangunahing sanggunian ng isasaling tekstong Español ay matatagpuan lamang sa website ng KWF. I-download ang PDF file nito sa www.kwf.gov.ph. Mula Español tungong Filipino ang gagawing pagsasalin. Ang salin ay kailangang orihinal na likha ng kalahok at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Hindi patatawarin ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala sa pangongopya.
Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
Isa (1) lamang entri ng salin ang maaaring isumite. Ang bawat lahok ay kailangang ilagay sa isang long brown envelope na maglalaman ng sumusunod:
(a) Apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado, gagamit ng font na Arial 12pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi. Kinakailangang notaryado ang ilalahok na gawa bilang katunayan na orihinal ito ng
nagsalin.
Kinakailangang magtataglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) at hindi tunay na pangalan ng kalahok ang dokumento. Ito ay dapat na naka-book bind.
(b) Isang (1) CD na maglalaman naman ng file (soft copy, Microsoft Word file) ng salin.
(c) Isang selyadong No. 10 envelope na maglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng nagsalin kasama ang dalawang retrato (2×2) at ang maikling biodata.
Ang tatanghaling pinakamahusay na salin ay tatanggap ng Walompung Libong Piso PHP 80,000 at plake ng pagkilala. Mayroong unang opsiyon ang KWF na ilathala ang nagwaging entri na walang dagdag na bayad sa nagsalin maliban sa royalti ng bawat mabebentang kopya ng libro.
Ang lahok na salin ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa: Lupon sa Sali(n) Na! 2016 Komisyon sa Wikang Filipino 2/P Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel St.
1005 San Miguel, Maynila Hindi tatanggapin ang entri na ipinadala sa email. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 19 Agosto 2017, 5nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite. Ang mga lahok na ipinadala sa pamamagitan
ng koreo ay kailangang matanggap ng KWF nang hindi lalampas sa petsang nabanggit. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang nagwaging lahok.
Para sa karagdagang detalye, tumawag sa Sangay ng Salin sa telepono blg. (02) 243-9789
<https://mail.google.com/mail/u/0/goog_1187559097>http://kwf.gov.ph/salin-na-lopez-jaena-2017/