DOST NCR book launch at presentasyon ng resulta on Carbon Sequestration; Ang Lungsod ng Baguio at AFP Walang Stand Sa West Philippine Sea Issue

DOST NCR BOOK LAUNCH

 

 

 

 

 

 

 

 

DOST NCR book launch at presentasyon ng resulta on Carbon Sequestration-

Ginanap nitong June 27, 2016 ang paglulunsad ng isang aklat ukol sa resulta ng pag aaral tunbgkol sa carbon sequestration sa loob ng compound ng Department of Science and Technology sa Bicutan na pinangunahan ng DOST NCR at ng mga outgoing officers na sina DOST NCR Regional Director Dr. Teresita Fortuna at DOST Sec. Mario G. Montejo.

Bukod kay Dr. Fortuna ay kasama  rin si DOST PCHRD Executive Director Dr. Jaime Montoya kung saan ginanap ang paglulunsad ng dalawang libro sa DOST Executive Lounge bago ginanap ang ribbon cutting ng bioreactor at kanilang Materials Recovery Facility bilang pagsunod sa RA 9003 o Solid Waste Management Act.

Sa presentasyon ng pag aaral ukol sa resulta ng carbon sequestration sa mga punongkahoy na nakatanim sa compound ng DOST, ito ay pinangunahan ni Dr. Nathaniel C. Bantayan, ang Director ng Makiling Center for Mountain Ecosystems.

Ayon kay Dr. Fortuna, ang garden  ay ang masasabi niyang kamnyang maipamamana sa mga taga DOST dahil siya ay magre retiro na, batay sa pag aaral ay napakaraming benepisyo ang maaring mapala ng tao sa pagtatanim ng punong kahoy sapagkat 4,800 tons captured na organic compound, may naitala na 114 species, 91 genus at 31 families ang matatagpuan sa compound ng DOST. Nabatid rin na maituturing na biofertilizers ang mga Narra at may dalawang uri nito na nakatanim sa compound gaya ng Smooth at Prickly, batay rin sa itinatadhana sa batas PD 705, ang mga nakatanim na wild Narra ay bawal putulin at kinakailangan ng special permit buhat sa DENR.///michael n balaguer

IMG_20160618_083815

 

 

 

 

 

 

 

AFP WALANG STAND SA WEST PHILIPPINE SEA ISSUE

IBA, ZAMBALES-MALASADO ang tayo ng Armed Forces of the Philippines particular ang Northern Luzon Command na siyang direktang nakakasakop sa West Philippine Sea hinggil sa patuloy at hayagang infringement ng China sa ating territorial waters na direktang paglabag sa alituntunin ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

Napatunayan ng www.diaryongtagalog.net ang katotohanang ito sa naganap kamakailan na aktibidad kung saan dinaluhan ng mga representante buhat sa Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police- Zambales Police Provincial Office, Central Luzon Media Association, mga representante ng Local Government Unit at pinangunahan ng Publishers Association of the Philippines na ginanap sa College of Law ng Ramon Magsasaysay Technological University sa bayan na ito.

Sa nasabing multisectoral forum nag present ang Zambales Police Provincial Office at ang Armed Forces of the Philippines tinalakay ng hukbong sandatahang lakas ng Pilipinas ang ukol sa external threats gaya ng infringement ng China sa mga pulo ng West Philippine Sea habang ang sa pulis ay ang insurgency o ang hidwaan tungkol sa mga rebeldeng kumusnista.

Sa open forum kung saan tinanong sa mga military ang mga isyu ukol sa pagtatambak ng lupa ng mga tsino sa mga bahurang sakop ng bansa at ang pambu bully ng mga sibilyang inarmasan ng mga tsino, sinabi nilang ito ay pambansang isyu at hinahayaan na lang nila ang mga nakatataas na opisyales nila upang sumagot nito.

Sa napipintong pagbaba nag Aquino Administration papasok ang Duterte Administration, nabanggit ng incoming President na hindi niya kakalabanin ang Tsina. Kabilang din sa mga pinag usapan ay ang Pederalismo na pahapyaw na ipinaliwanag ni RMTU President Dr. Carmelo Garcia.///Michael balaguer

berna-lions head

 

 

 

MAMANGHA SA GANDA NG BAGUIO

Ang Baguio City ay naitatag noong 1900 ng mga Amerikano, at inilagak sa Kafagway na dating tirahan ng mga tribuong Ibaloy. Inatasan lamang ni ang Baguio ay natatanging resort lamang noon ng mga sundalong Amerikano noong panahong sakop ng Estados Unidos ang Amerika. Si Luke E. Wright ang  nag-utos kay Daniel H. Burnham na gumawa ng plano ng lungsod. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang bag-iw na ang ibig sabihin ay lumot, dahil kalimitang maraming tumutubo ditong pino, dapo, at malulumot na halaman sa lugar na ito. Hindi alintana ang ganitong senaryo dahil sa malamig, mahalumigmig, at malagihay na panahon sa Baguio.

Nakilala ang Baguio dahil sa maraming magagandang bagay at tanawin na makikita rito. Una na rito ang mala-ahas na lansangang tila pumupulupot sa katawan ng kabundukan kapag ika’y paakyat pa lamang sa lungsod ng Baguio. Kaakit-akit at kagila-gilalas din ang tanawin mula sa matatarik na burol o bundok. Tulad nga ng aking nabanggit kanina, kumpara sa temperature at panahon sa mga mas mabababang lalawigan, ang Baguio ay may mahalumigmig na hangin at mas malamig na panahon. Hindi rin kaila sa mga tao na ang Baguio ay puno ng makukulay na bulaklak na mas naipapakita sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival tuwing Pebrero. Nagtatagpo sa Baguio ang sari-saring kultura, moda, at pananaw ng iba’t ibang katutubo sa Cordillera na pawang lalong nagpasigla sa turismo. Ang siyudad ng Baguio ay napapaligiran ng La Trinidad na nasa hilaga nito, Itogon na nasa silangan naman, at ang malaking bahagi ng Tuba sa bandang timog at kanluran.

Turismo at mga Lugar na Sikat sa Baguio

Kennon Road

berna-kennon road

Kennon Road

Ang Kennon Road ay isa sa tatlong pangunahing lansangan patungong Lungsod ng Baguio kung ikaw ay magmumula sa kalakhang Maynila. Ang Marcos Highway at ang Naguilian Road naman ang alternatibong daan patungong Baguio. Mas pinipiling daan ito ng mga nagnanais makarating sa Baguio dahil sa mga likas na tanawin. Habang binabagtas ang Kennon Road, makikita ang Lion’s Head na isa sa mga kilalang tanawin at simbolo ng Baguio, ang Bued River Gorge, ang Veil Falls, ang Twin Peaks, at ang ilang tindahan ng mga pasalubong.

Lion’s Head

berna-lions head

Lion’s Head

Ang Lion’s Head ay matatagpuan sa kahabaan ng Kennon Road. Ito ay ipinagawa ng mga kasapi ng Lion’s Club Baguio, na sumisimbolo sa kanilang pananatili sa lungsod na ito. Sa kinalalagyan nito ay maaaring makapagpapakuha ng litrato at may mabibilhan din ng mga pasalubong.

Camp John Hay

berna-camp john hay

Camp John Hay

Ang Camp John Hay ay isa sa mga kampong unang itinayo nong panahon ng kolonyalismo ng Amerika sa ating bansa upang maging pook-aliwan ng mga sundalo ng Department of Defense ng Estados Unidos. Noong Hunyo 1, 1991, sa pangangasiwa ng Philippine Tourism Authority, ang 690 ektaryang kampong ito ay pormal na ibinigay sa Pamahalaan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang Camp John Hay ay isinalin na sa pamamahala ng Bases Conversion Development. Maaaring maglaro ng golf sa loob nito, o kaya’y umupa ng kuwarto at iba pang pasilidad na maaring paglibangan. Marami ring masasarap na matatagpuan rito idagdag mon a ang magagandang tanawin dahil sa maraming Pine Trees ang makikita rito.

Philippine Military Academy

berna-philippine military academy

Philippine Military Academy

Ang Philippine Military Academy o PMA ay matatagpuan sa Loakan, na may 10 kilometro ang layo sa bayan ng Lungsod Baguio. Itinatag ang akademyang ito upang maging paaralan ng mga nagnanais maging opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Baguio Convention Center

berna-baguio convention center

Baguio Convention Center

Ang Baguio Convention Center ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Baguio, na may ilang hakbang lamang sa Baguio Tourism Complex at nasa tapat nito ang Unibersidad ng Pilipinas sa Baguio. Noong 1978, dito ginanap ang World Chess Championship, na tinampukan nina Anatoly Karpov at Victor Korchnoi ng bansang Russia. Noong una, ito ay pagmamay-ari ng Unibersidad ng Pilipinas ngunit ito ay nabili ni Ginang Imelda Marcos noong siya ay napadpad sa Baguio. Nagustuhan niya ito pati na rin ang Sunshine Park na nasa tabi lang ng Unibersidad ng Pilipinas kaya sabay niya itong binili.

Session Road

berna session road

Session Road

Ang Session Road ay ang pangunahing at pinakakilalang lansangan sa Lungsod Baguio, dito matatagpuan ang halos lahat ng mga negosyo sa Baguio. Araw man o gabi, ang Session Road ay hindi natutulog.

Baguio Catholic Cathedral

berna-baguio catholic cathedral

Baguio Catholic Cathedral

Ang Baguio Catholic Cathedral ay ang pinakamalaking simbahan ng mga katoliko sa Baguio. Ito ay matatagpuan sa ibabaw ng isang burol sa loob mismo ng lungsod. Ang kulay rosas nitong tuktok ang kalimitang pang-akit sa mga mahilig kumuha ng litrato. Maganda rin mismo ang istraktura at pagkakatayo ng simbahang ito.

Baguio City Public Market

berna-baguio public market

Baguio City Public Market

Ang Baguio City Public Market ay matatagpuan sa ibabang bahagi ng Session Road, na katabi ng Maharlika Center. Sa pamilihang ito ay maraming mabibiling gulay, katutubong produkto, at minatamis na pagkain. Mga pampasalubong na produkto tulad ng Peanut Brittle, Strawberry Jam, Ube Halaya, sariwang strawberry, sariwang gulay, walis tambo, damit pangginaw, alahas na gawa sa pilak ay ilan lamang sa mga pwedeng mabili sa pamilihang ito.

Burnham Park

berna burnham park

Burnham Park

Ang Burnham Park ay matatagpuan sa sentro ng Lungsod Baguio na malapit lang rin sa Session Road, pinakakilalang daan sa Baguio. Isa ito sa mga paboritong pasyalan ng mga turista at pati na rin ng mga taga-Baguio. Ang parke na ito ay may hugis bilog na lawa sa gitna na kung saan ay maari kang umupa ng banka kung nais maglibot at magpahinga. May bahagi rin ng parkeng ito na maaaring magbisikleta, maglaro ng Football, magbasketbol, magtennis, at mag-skating. May mga kainan at palaruan para sa mga bata ang pasyalang ito. Ipinangalan ang pasyalang ito kay Daniel Burnham, na isa sa nagdisenyo ng Baguio.

Lourdes Grotto

berna lourdes grotto

Lourdes Grotto

Ang Lourdes Groto ay isa sa mga lugar na paboritong puntahan ng mga deboto sa Lungsod ng Baguio upang magdasal. Matatagpuan ito sa mataas na burol sa kanlurang bahagi ng Baguio. Tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo, maraming Katolikong deboto ang pumupunta rito upang akyatin ang may 252 na baitang ng hagdan patungo sa kinalalagyan ng Mahal na Birhen, at upang magtirik ng kandila sa altar.

Mines View Park

berna-mines view park

Mines View Park

Ang Mines View Park ay isa sa mga pinakakilalang pasyalan sa Baguio. Ang Benguet’s gold and copper mine ay maaring matanaw sa mataas na lugar na ito. Marami ring nakapalibot na kabundukan sa lungsod Baguio ang makikita rito. Ang minahan ang pinaghalawan ng pangalnag Mines View Park.

Good Shepherd Convent

berna-good shepherd convent

Good Shepherd Convent

Ang Good Shepherd Convent ay matatagpuan sa barangay Mines View, na ang pangunahing lagusan ay nasa Gibraltar Road na malapit lamang sa mga bilihan ng pasalubong ng Mines View Park. Ang Good Shepherd Convent ay kilala sa mga produkto nilang peanut brittle, ube jam, strawberry jam, at iba pang pasalubong na ginawa mismo ng mga madre sa loob ng kumbento. Ang salaping nalilikom ng mga madre ay ginagamit sa iba’t ibang proyektong makatutulong sa mga nangangailangan.

Wright Park

berna-wright park

Wright Park

Ang Wright Park ay matatagpuan sa silangang bahagi ng siyudad ng Baguio. Ito ay nakaharap sa tanyag at pangunahing tarangkahan ng “Mansion”. Pangunahing atraksiyon ng pasyalang ito ang mahabang lawa sa gitna nito, na kung tawagin ay “Pool of Pines.” Ang lawa na ito ay napapaligiran ng pino sa gilid at napalalamutian ng makukulay at samu’t saring bulaklak. May ilang Igorot na maaaring kuhanan ng litrato kasama ka. Sa ibaba naman ng pasyalang ito ay makauupa rin ng kabayo kung nais maglibot.

The Mansion

berna-the mansion

The Mansion

Ang istrakturang “The Mansion” ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Baguio. Ito ay nasa kahabaan ng Leonard Wood Road at nasa tapat lamang ng Wright Park. Itinayo ang The Mansion noong 1908, sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano, para sa mga Amerikanong gobernador-heneral. Ito ay nasira noong 1945 habang nagaganap ang pagpapalaya sa Filipinas. Noong 1947, ipinaayos ito ng Pamahalaang Pilipinas, at magmula noon ay ito na ang naging opisyal na tirahan ng Pangulo ng Pilipinas kung sila ay mapupunta sa lungsod ng Baguio. Ang magarang mansiyon na ito ay inihalintulad sa Buckingham Palace na matatagpuan sa Britanya.

Baguio Botanical Garden

berna-baguio botanical garden

Baguio Botanical Garden

Ang Baguio Botanical Garden, na kilala rin bilang Igorot Village, ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Baguio. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Teacher’s Camp at ng Pacdal Circle. Sa loob nito ay maraming makikitang uri ng halaman at may nagsasayaw na Igorot na nakasuot ng bahag.

Teacher’s Camp

berna-teachers camp

Teacher’s Camp

Ang Teacher’s Camp, na matatagpuan sa kahabaan ng Leonard Wood Road, ay isang malaking lugar na inilaan sa mga guro na nais magsanay. Sa loob nito may mga dormitoryo, silid-aralan, bahay bakasyunan at iba pang pasilidad na makakatulong sa mga guro na nagnanais magsanay sa lugar na ito. Dito rin matatagpuan ang Oval kung saan maraming athletang Pilipino ang nag-eensayo bago lumaban sa mga iba’t ibang paligsahan.

 Good Taste

berna-good taste

Good Taste

Ang Good Taste ay isa sa mga pinakakilalang kainan sa lungsod ng Baguio. Isa rin ito sa mga pinakamalaki at pinamaluwag na kainan na dinadayo ng mga turista at ng mga taga-Baguio dahil sa masarap at sulit na mga bilihin dito. Maganda at swak ang kainan na ito sa mga magkakaibigan, magbabarkada, sa pamilya, at sa mga pangmaramihang grupo. Sulit ang gastos sa kainan na ito dahil mura na, marami pa, at masarap pa ang kanilang mga putahe. Ito ay matatagpuan sa Carino street malapit sa Burnham Park.

50’s Diner

berna-50's diner

50’s Diner

Ito ay matatagpuan sa daan kasagsagan ng Teacher’s Camp. Ang kainan na ito ay retro-themed kung saan hinango ang pangang 50’s Diner. Tulad ng mga pagkain sa Good Taste, ang mga hinahain nila rito ay sulit din. Ang kakaiba sa kainan na ito ay ang kanilang mga pagkain. Hindi normal ang laki ng mga pagkain dahil mas malaki kumpara sa regular na laki ang mga pagkain dito. Maganda rin ang ambiance sa loob ng restawran na ito. Maraming turista at taga-Baguio ang pumupunta sa kainan na ito. Nakapalibot rin ito ang iba pang masasarap na kainan.

Tunay ngang napakasagana ng lungsod ng Baguio sa iba’t ibang tanawin at pasyalan kaya ito dinadayo ng maraming turista hindi lamang galling sa Pilipinas kundi pati na rin galling sa ibang bansa.///Bernardita  Sta. Maria Guinto ( Baguio City Correspondent)