Barangay Kapitan Timbog sa droga; Kawani ng Munispiyo tiklo sa droga at Ulo ng Saring Drug Group, may ari ng drug den at dalawang bisitang adik laglag sa buy bust ng PDEA sa Misamis Oriental

 

pdea1

TIMBOG ang isang halal na opisyal ng barangay nitong October 20, 2013 sa Marinduque dahil sa droga. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Jerrico Molbog alyas “Iko”, 37 anyos, may asawa at tubong Mogpog sa Marinduque at kasalukuyang nanunungkulang Barangay Chairman of Barangay Nangka Uno, Mogpog, Marinduque.

Nabatid na matagal na siyang minamatyagan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sinasabing nasa watch-listed drug personalities ng nasabing lalawigan. “Molbog is the first incumbent Barangay Captain who was arrested by our operatives since the campaign period started last week.

He is the eighth barangay captain arrested since January of this year and he is also a re-electionist candidate,” ayon kay Cacdac.naganap ang pagdampot sa suspek dakong 1:15 pm sa pamamagitan ng magkasamang operatiba ng PDEA Regional Office IV-B (PDEA RO IV-B) sa ilalim ni Director Bryan Babang, Boac Municipal Police Station (MPS), at ng PNP Provincial and Regional Intelligence Division na nagsagawa ng buy-bust operation sa Barangay Balimbing, Boac, Marinduque na nagdulot sa pagka aresto ni Molbog.

Nakuha sa kanya ang dalawang sachets ng shabu,isang motorcycle at dalawang P500 bills na ginamit bilang buy-bust money. “As the lead Agency enforcing the anti-drug law, we encourage our citizens to carefully choose the officials that they will vote for this coming barangay elections since they will lead the Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) in our communities,” paliwanag ni Cacdac.

Ang mga nakuhang droga na bahagi ng ebidensya laban sa suspek ay ibinigay sa Marinduque Crime Laboratory Office habang ang suspek naman ay pinipigil sa Boac MPS dahil sa paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs) at 11 (Possession), Article II, ng Republic Act 9165, o  Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002.  Kaugnay nito, isa namang kawani ng Maitum Municipal Hall sa sarangani ang natimbog ng PDEA dahil sa pagiging tulak ng droga, dinakip sa isinagawang buy bust operation nuong October 19, 2013.

pdea2

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na Rogelio Balisalisa alyas “Nonoy”, 42 years old, binata at residente ng Casoy Street, Purok Liwliwa, Barangay Maitum, Sarangani Province.

Siya ay nagtatrabaho bilang Administrative Assistant II assigned sa Accounting Section ng Maitum Municipal Hall, Maitum, Sarangani Province at sinasabing isang High Value Target (HVT) ng PDEA.nabatid na dakong 2:40 ng hapon nuong October 19, 2013 kung saan ang mga element ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO 12) sa ilalim ni Director Aileen Lovitos ang nag sagawa ng buy-bust operationna nagdulot ng pagkakadakip kay Balisalisa at ang nakumpiskang mga plastic sachets ng shabu na may bigat na tinatayang 1.5 grams at estimated market value na P11,000.

Kasong paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs) and 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek. Samantala, arestado ang ulo ng Saring Drug Group,isang nagma may ari ng drug den at dalawang bisita nitoing mga adik ang nadakip ng anti-narcotics agents nang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Misamis Oriental.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Dandy Saring y Halaran, alyas Sakar, 31 anyos, may asawa, isang tubero at residente ng Purok 1, Barangay 3, Villanueva, Misamis Oriental; Richard Lomopog y Agramon, 22, may asawa, ang nagmamay ari ng drug den, Ronald Lomopog y Agramon, 20, binata; at Jomart Galario, 19, binata; mga obrero at residente ng Purok 4, Barangay 3, Villanueva, Misamis Oriental.

Si Saring ay ang ulo ng Saring drug group na itinuturing na targeted drug personality. Nitong October 17, 2013 dakong 2:30 ng hapon, ang mga element ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO 10) sa ilalim ni Director Emerson Margate ang nagsagawa ng buy-bust operation na nagdulot ng pagpapahinto sa drug den sa Purok 1, Barangay 3, Villanueva, Misamis Oriental.

Bungan g nasabing operasyon ay ang pagkakadakip  kay Saring at ang pagkakakumpiska sa 26 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit kumulang 25 grams of methamphetamine hydrochloride, o shabu,na may tinatayang market value na P200,000, three grams ng dried marijuana leaves, iba pang drug paraphernalia, isang .38 caliber revolver, salapi sa ibat ibang denominations na nagkakahalaga ng P400, isang mobile phone, isang P500 peso bill na ginamit bilang buy-bust money.

Kasama rin sa nadakip ang may ari ng lugar at mga bisita nito, ang mga ebidensya ay inilagak sa  PNP Crime Laboratory para sa forensic examination,habang nakakulong ang mga suspek sa PDEA RO 10 detention facility.haharap si Saring sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kaso ring paglabag sa COMELEC Gun Ban at Presidential Decree Number 1866, o Codifying the Laws on Illegal/Unlawful Possession, Manufacture,

Dealing in Acquisition or Disposition, of Firearms, Ammunition or Explosives or Instruments used in the Manufacture of Firearms, Ammunition or Explosives, and Imposing Stiffer Penalties for Certain Violation Thereof and for Relevant Purposes, ay inihahandang isampa rin kay Saring. Kaso namang paglabag sa Section 6 (Maintenance of Drug Den), Article II of RA 9165, ang isasampa sa korte laban kay Richard Lomopog, at hiwalay na kaso na paglabag sa Section 7 (Visitors of Drug Den) ng RA 9165, ang haharapin nina Ronald and Jomart. (Michael balaguer)

pdea3