Bulacan, ipinagdiwang ang isandaang taon ng kooperatibismo; Bulacan, idineklarang nasa state of calamity dahil sa dengue at SSS, kumita ng P274.5-M mula sa real estate properties, P 1.2-B na kita inaasahan sa katapusan ng taon

  

LUNGSOD NG MALOLOS –  Sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ang pagdiriwang ng isandaang taon ng kooperatibismo sa pamamagitan ng parada ng mga panlalawigang kooperatiba mula Bulacan Sports Complex sa Sta. Isabel papunta sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito,  ganap na ika 6:30 ng umaga ngayong araw.

May temang “Kooperatiba: Ika-100 Taong Pagpupugay, Tulay sa Maunlad na Buhay”, sinabi ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na naghanda ang PCEDO ng iba’t ibang aktibidad na magtatampok sa mahalagang papel ng kooperatiba sa kaunlaran ng bansa.

Sa ginanap na programa, pinasalamatan ni  Alvarado ang lahat nang dumalo sa panimuulang palatuntunan partikular na si Cong. Gavini “Apol” C. Pancho na kumatawan at bumasa ng mensahe ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” A. Roxas II na siyang panauhing pandangal.

Inalala din ng gobernador kung paano sinimulan ang mga kooperatiba sa lalawigan higit isang daan taon na ang nakalipas kung saan nakipagbaka si dating Bulacan Governor Teodoro Sandiko upang mapagtagumpayan ang kooperatibismo sa bansa hanggang sa maituring na ‘cooperative capital of the Philippines’ sa kasalukuyan ang Bulacan.

“Isa pong malaking karangalan para sa ating lalawigan at sa inyong lingkod na kung saan sa bansang Pilipinas ay kinikilala   ‘yung  bayanihan, pagtutulungan sa anumang gawain ay dito sa lalawigan nagsimula.

Dito rin po sa ating lalawigan nagsimula ang cooperative movement,”ani Alvarado. Higit-kumulang 2,000 ang lumahok sa nasabing gawain na binubuo ng mga pinuno at miyembro ng iba’t ibangkoop sa Bulacan.

Kabilang sa mga tampok na gawain sa isang buwang pagdiriwang ang Cooperative and Trade Fair sa harapan ng Pasalubong Center sa Oktubre 5-9 mula 8 n.u hanggang 5 n.h; Regional Cooperative Centennial Fun Run sa Oktubre 9 mula 5 n.u hanggang 8 n.u sa Mini Forest, Provincial Capitol Compound kung saan tinatayang 3,000kalahok ang makikiisa at ang 2nd Regional Kooplympics mula 9 n.u hanggang 4 n.h sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Dagdag pa dito, magsasagawa din ng bloodletting activity sa Municipal Hall ng San Rafael, Bulacan sa Oktubre 7 sa ganap na ika-7 n.u; Fatima 4, Sapang Palay, CSJDM sa Oktubre 16 sa ganap na ika-8 n.u; San Martin 2, Sapang Palay, CSJDM sa Oktubre 23 sa ganap na ika-8 n.u at Pavilion de Bayanihan, Bambang sa Bocaue sa Oktubre 25 ganap na ika-8 n.u.

Magkakaroon din ang PCEDO na tree planting sa Bulacan State University-Hagonoy Campus, Brgy. Iba, Hagonoy sa Oktubre 20.Samantala,  bibigyang parangal  aMagkakaroon din ang PCEDO na tree planting sa Bulacan State University-Hagonoy Campus, Brgy. Iba, Hagonoy sa Oktubre 20.Samantala,  bibigyang parangal  at  pagkilala ang mga natatanging kooperatiba sa lalawigan sa isasagawangGawad Galing Kooperatiba sa Oktubre 29, 2015 na gaganapin sa  Bulacan Capitol Gymnasium na susundan ngisang fellowship.

Ayon kay Alvarado, layon ng mga gawaing ito ang maitaas ang kamalayan ng publiko at bigyang pagkilala angmahahalagang kontribusyon ng mga kooperatiba sa pag-unlad ng Bulacan, Samantala..

———————————————————————-

LUNGSOD NG MALOLOS – Isinailalim na sa state of calamity ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang lalawigan dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng dengue na naitala sa lugar sa pagtatapos ng Setyembre 2015.

Alinsunod sa Panlalawigang Kapasyahan Blg. 308-T’15, “Kapasyahan na nagpapahayag na ang Bulacan ay nasa ilalim ng state of calamity upang matugunan aang paglaganap ng sakit na dengue sa lalawigan,” ipinahayag ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na maglalaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng P39 milyon upang labanan at masugpo ang dengue sa lalawigan, kung saan ilan na ang namatay.

Bukod sa libreng pagpapa-ospital at gamot  para sa mga biktima ng dengue, ipinahayag ni Alvarado na magkakaroon ng Dengue Express Lane sa lahat ng mga ospital na pagmamay-ari ng Pamahalaang Panlalawigan upang agarang  matutukan at mabigyang lunas ang mga pasyente.

Base sa datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), mayroon ng 4,771 kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang Setyembre 30, 2015 at 11 na rito ang namatay. Tumaas rin ng halos 230 porsyento ang bilang ng mga nagkakasakit nito kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang kabuuang 1,342.

Nakasaad rin sa tala na karamihan sa mga biktima ay mga kabataan na may edad 11-20 taong gulang na nakapagtala ng 38.8 porsyento. Dagdag pa rito, ang Lungsod ng San Jose Del Monte ang nakapagtala ng may pinakamaraming kaso ng dengue sa bilang na  615 at sinundan ng munisipalidad ng Santa Maria na may 409, San Rafael na may 401, Bustos na may 329 at San Miguel na may 278.

Samantala, patuloy pa rin ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapaigting sa kampanya at mga programang nagbibigay kaalaman sa publiko tungkol sa dengue, gayundin ay mahimok ang mga Bulakenyo na sundin ang 4’o clock habit upang mapuksa ang dengue at mahikayat na makibahagi sa programang Aksyon Barangay Kontra Dengue sa kani-kanilang mga barangay, Kaugnay nito

———————————————————————-

Umabot sa P 274.5 milyon ang kinita ng Social Security System (SSS) sa unang anim na buwan ngayong taon mula sa pinaupahan nitong mga real estate properties tulad ng residential at commercial lots, condominium units, building at parking lots, at posibleng umabot sa P 1.2 bilyon ang kikitain sa katapusan ng taon.    

Ayon kay SSS Senior Vice President at kasalukuyang Officer-in-Charge ng Lending and Asset Management Division May Catherine Ciriaco, kinita ito ng ahensya mula sa pagpapa-upa ng SSS investment properties na nagkakahalaga ng P 12.7 bilyon. Kabilang ito sa kabuuang halaga ng SSS investment properties na umaabot sa P 17.9 bilyon.

Inaasahan ng SSS na makakalikom ng karagdagang P 289 milyong kita mula sa pagpapaupa ng mga investment assets hanggang matapos ang taong ito. Samantala, panibagong P 696.5 milyon ang inaasahang kikitain din ng SSS mula sa investment properties na ibebenta bago matapos ang taong ito.  

Bago matapos ang taong 2015 ay humigit kumulang P1.2 bilyong piso ang inaasahang kabuuang kita ng SSS mula sa investment properties nito.  

Nilinaw ni Ciriaco ang mga balitang lumabas kamakailan tungkol sa diumano’y hindi kumikitang investment properties ng SSS.  “Halos 70 porsyento o P17.9-bilyong investment properties ay matagal nang pinauupahan at nagbibigay ng regular na kita sa SSS. Ang mga natitirang assets naman ay ibebenta bago matapos ang taon o mananatiling pag-aari ng SSS dahil mas malaki pa ang inaasahang itataas ng halaga ng mga ito.”

Nakatakda ang bidding bago matapos ang taon para ibenta ang mga SSS properties tulad ng condominium units at parking lots sa Bella Villa and Pioneer Highlands, at mga acquired lots sa Marilao, Villa Josefina, Zamboanga at Manila Harbour bago matapos ang taon.

“Samantala, bilang bahagi ng pangmatagalang istratehiya para sa pension fund, hindi ibebenta ng SSS ang mga prime properties tulad ng Fort Bonifacio sa Taguig City at East Triangle sa Quezon City”, paliwanag ni Ciriaco.

Nakatakda din ang bidding sa susunod na taon para ibenta ang SSS investment properties sa Bayview, Urdaneta, Pryce Tower- Davao, Pryce Center- Makati at E. Ganzon, pati na rin ang SSS-aquired lots sa Northfields. Mayroong kabuuang appraised value na P 253.6 milyon ang mga nasabing properties.

Sinabi din ni Ciriaco na tinutugunan na ng ahensya ang mga obserbasyon ng Commission on Audit (COA) na nailathala kamakailan na diumano’y pinawalan ng SSS ang P 198.1 milyong kita dahil hindi pinaupahan ang mga real estate properties tulad ng condominium units.

“Tinanggap na ng SSS ang walang pag-aalinlangang opinyon ng COA na nagpapatunay sa patas na isinumiteng financial statement noong 2014. Sa kasalukuyan, nagpapatupad na ng mga kaukulang hakbang ang SSS upang palakihin ang kita mula sa mga real estate properties”, sabi ni Ciriaco. Binigyang linaw din niya na kahit hindi pinaupahan ang ilang properties ay may naitala pa ring kita dahil sa appreciation value o pagtaas ng halaga ng mga ito.